FEATURE
Ang Imperyo ng Medo-Persia
ANG mga Medo at mga Persiano ay paulit-ulit na binabanggit sa Kasulatan sapagkat nagtaguyod sila ng patakaran ng pagpaparaya sa relihiyon na nakatulong upang matupad ang mga hula sa Bibliya.
Pinahintulutan ni Jehova na ang mga Judio ay madalang bihag sa Babilonya, isang bansang hindi nagpapalaya ng mga bihag nito. Gayunman, inihula ng Diyos ang pagsasauli sa mga Judio sa kanilang sariling lupain. (Jer 27:22; 30:3) Ang Medo-Persia, na sa Bibliya ay isinasagisag ng oso (Dan 7:5), ay naglingkod sa ikatutupad ng layuning iyon ni Jehova.
Di-nagtagal pagkatapos bumagsak ang Babilonya, nagpalabas ang Persianong si Haring Ciro ng batas na ang dating bihag na mga Judio ay maaari nang bumalik sa kanilang sariling lupain at muling itayo ang templo ni Jehova. (Ezr 1:2-4) Nang maglaon ay kinilala ni Dario I ang batas na ito. (Ezr 6:1-11) Nang malinawan ni Haring Ahasuero (maliwanag na si Jerjes I) ang tungkol sa situwasyon, nilagdaan niya ang isang batas na bumigo sa pakana na lipulin ang mga Judio. (Es 7:3–8:14) Noong 455 B.C.E., pinahintulutan naman ni Haring Artajerjes Longimanus si Nehemias na muling itayo ang mga pader ng Jerusalem, sa gayo’y pinasimulan ang makahulang pagbilang ng panahon hanggang sa paglitaw ng Mesiyas.—Ne 2:3-8; Dan 9:25.
MAPA: Ang Imperyo ng Medo-Persia
Relyebe na naglalarawan sa mga Medo (nakasumbrerong pabilog) at mga Persiano (nakasumbrerong may-uka)
Makabagong Hamadan (sa Iran), lokasyon ng sinaunang Ecbatana. May palasyo noon dito si Cirong Dakila. Lubhang nakinabang ang mga Judio sa kaniyang patakaran ng pagpaparaya sa relihiyon
Ang Cyrus Cylinder, isang siyam-na-pulgada (23 sentimetro) na dokumentong luwad na nag-uulat tungkol sa pagbihag ni Ciro sa Babilonya at sa pagpapalaya sa mga tapon
Silinder na pantatak ni Dario I at ang marka nito. Ipinapakita nito si Dario na nangangaso ng leon, habang nasa langit ang kaniyang diyos na si Ahura Mazda. Sinuportahan ni Dario ang mga Judio sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem
Mga guho ng sinaunang Persepolis. Dito nagtayo ng mga palasyo sina Dario I, Jerjes I, at Artajerjes Longimanus
Mga guho ng sinaunang Persepolis. Dito nagtayo ng mga palasyo sina Dario I, Jerjes I, at Artajerjes Longimanus
Mga guho ng sinaunang Persepolis. Dito nagtayo ng mga palasyo sina Dario I, Jerjes I, at Artajerjes Longimanus
Mga guho ng sinaunang Persepolis. Dito nagtayo ng mga palasyo sina Dario I, Jerjes I, at Artajerjes Longimanus
Mga nahukay sa sinaunang kabayanan sa Susan
Mga dekorasyong karaniwang makikita sa bulwagan ng pagdinig ng palasyo sa Susan
Sina Mardokeo at Esther sa harap ni Haring Ahasuero (maliwanag na si Jerjes I)