Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Hula na Nagkatotoo
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
    • 22. Sa kaugnay na hula hinggil sa sunudsunod na mga pandaigdig na kapangyarihan, anong karagdagang kapangyarihan ang inihula?

      22 Sa Daniel kabanata 7, isang kahawig na pangitain ang humula rin sa malayong hinaharap. Ang kapangyarihang pandaigdig ng Babilonya ay inilarawan ng isang leon, ang Persyano ay ng oso, at ang Griyego ng leopardo na may apat na pakpak sa likod at may apat na ulo. Pagkatapos, nakakita si Daniel ng isa pang mabangis na hayop, “kakilakilabot at makapangyarihan at totoong malakas . . . at ito’y may sampung sungay.” (Daniel 7:2-7) Ang ikaapat ay lumarawan sa makapangyarihang Imperyo ng Roma, na nagsimulang lumago tatlong siglo pagkatapos iulat ni Daniel ang hulang ito.

  • Mga Hula na Nagkatotoo
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
    • 24, 25. (a) Papaano lumitaw ang sampung sungay ng mabangis na hayop? (b) Anong paligsahan sa pagitan ng mga sungay ng mabangis na hayop ang inihula ni Daniel?

      24 Kumusta ang sampung sungay ng dambuhalang hayop na ito? Sinabi ng anghel: “At tungkol sa sampung sungay, mula sa kahariang ito ay sampung hari ang babangon; at isa pa ang babangon kasunod nila, at magiging kaiba siya sa mga nauna, at kaniyang ibabagsak ang tatlong hari.” (Daniel 7:24) Papaano natupad ito?

      25 Nang humina ang Imperyo ng Roma noong ikalimang siglo C.E., hindi agad ito hinalinhan ng iba. Sa halip, ito’y unti-unting nabahagi sa maraming kaharian, “sampung hari.” Sa wakas, tinalo ng Imperyo ng Britanya ang tatlong karibal na imperyo ng Espanya, Pransya, at ng Holandya upang maging pangunahing kapangyarihang pandaigdig. Ganito ibinagsak ng bagitong ‘sungay’ ang “tatlong hari.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share