Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Lana, Balahibo ng Tupa”
  • Lana, Balahibo ng Tupa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lana, Balahibo ng Tupa
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahanga-hangang Lana
    Gumising!—1991
  • Isang Kumot ng Taglamig
    Gumising!—1996
  • Ang Vicuña ang May Pinakapinong Lana
    Gumising!—1990
  • Pag-aalaga ng Tupa ang Aming Hanapbuhay
    Gumising!—1993
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Lana, Balahibo ng Tupa”

LANA, BALAHIBO NG TUPA

[sa Ingles, wool].

Ang lana ay isang uri ng tela na hinahabi mula sa sinulid na gawa sa malambot at kulot na balahibo ng ilang hayop, partikular na ng mga tupa. Noong sinaunang mga panahon, ang balahibo ng tupa ay ginugupit at malawakang ginagamit ng mga Hebreo at ng iba pang mga tao upang gawing lana na ginagamit sa paggawa ng damit at sa pagbuburda. (Exo 35:4-6, 25; 36:8, 35, 37; 38:18; 39:1-8, 22-29; Lev 13:47; Kaw 31:13, 22; Eze 34:3) Ang damit na lana ay naglalaan ng proteksiyon mula sa init at lamig at ito’y komportable, anupat nagbibigay ng init sa katawan bagaman hindi ito gaanong mabigat at sumisipsip ito ng halumigmig nang hindi nagiging mamasa-masa sa pakiramdam ng taong may suot nito.

Sa ilalim ng Kautusan, kahilingan sa mga Israelita na ibigay sa mga saserdote “ang una sa ginupit na balahibo” ng kanilang mga kawan. (Deu 18:3-5) Yaong mga di-saserdote ay pinagbawalang ‘magsuot ng pinaghalong tela na yari sa pinagsamang lana at lino.’​—Deu 22:11; Lev 19:19; tingnan ang TELA, I (Iba Pang mga Pinaggagamitan).

Ang kahalagahan ng balahibo ng tupa noong sinaunang mga panahon ay makikita sa ginawang pagbabayad ng Moabitang si Haring Mesa ng “isang daang libong kordero at isang daang libong lalaking tupa na hindi pa nagugupitan” sa hari ng Israel bilang tributo. (2Ha 3:4) Ang lana ay isa ring mahalagang kalakal noon.​—Eze 27:1, 2, 7, 16, 18.

Yamang karaniwa’y likas na kulay puti ang lana, kung minsan ay iniuugnay ito sa kaputian at kadalisayan. Halimbawa, sa pamamagitan ng propetang si Isaias, inihalintulad ni Jehova sa puting lana ang pinatawad na mga kasalanan, anupat sinabi niya: “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe; bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana.”​—Isa 1:18-20.

Nagbibigay si Jehova ng “niyebeng tulad ng lana,” anupat waring kinukumutan niya ng makapal na puting lana ang lupain.​—Aw 147:16.

“Ang Sinauna sa mga Araw,” ang Diyos na Jehova, ay makasagisag na inilalarawan sa pangitain bilang may buhok na gaya ng malinis na lana. (Dan 7:9) Ipinahihiwatig nito ang sukdulan niyang katandaan at karunungan, na kapuwa iniuugnay sa pagiging may-uban. (Ihambing ang Job 15:9, 10.) Sa katulad na paraan, nakita ng apostol na si Juan ang “isang tulad ng anak ng tao” at napagmasdan niya na ang ‘ulo nito at ang buhok nito ay maputi na gaya ng puting balahibo ng tupa, gaya ng niyebe.’ (Apo 1:12-14) Ang ganitong paglalarawan sa buhok ng isang iyon ay maaaring nagpapahiwatig na pumuti ito sa daan ng katuwiran.​—Kaw 16:31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share