Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 20 Nangatuwiran ang Diyos at sinabi kay Jonas na nanghinayang ang propeta nang mamatay ang isang halamang tumubo sa magdamag, gayong hindi naman ito itinanim o pinatubo ni Jonas. Saka sinabi ng Diyos bilang pagtatapos: “Sa ganang akin, hindi ba ako dapat manghinayang sa Nineve na dakilang lunsod, kung saan may mahigit sa isang daan at dalawampung libong tao na hindi man lamang nakakakilala ng pagkakaiba ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, bukod pa sa maraming alagang hayop?”​—Jon. 4:10, 11.c

      21. (a) Anong mahalagang aral ang itinuro ni Jehova kay Jonas? (b) Paano makatutulong sa atin ang ulat tungkol kay Jonas para masuring mabuti ang ating sarili?

      21 Nauunawaan mo ba ang mahalagang aral na itinuro ni Jehova? Walang anumang ginawa si Jonas para lumaki ang halamang iyon. Samantala, si Jehova ang Bukal ng buhay ng mga Ninevita at ang naglalaan para sa kanila, gaya ng ginagawa niya sa lahat ng nilalang sa lupa. Mas pahahalagahan pa ba ni Jonas ang isang halaman kaysa sa buhay ng 120,000 tao, bukod pa sa kanilang mga alagang hayop? Hindi kaya nagiging makasarili si Jonas? Ang totoo, nanghinayang siya sa halaman dahil nakikinabang siya rito. Hindi kaya nagalit siya may kaugnayan sa Nineve udyok ng pagiging makasarili​—dahil gusto niyang ipakitang tama siya at ayaw niyang mapahiya? Makatutulong sa atin ang kuwento ni Jonas para masuring mabuti ang ating sarili. Sino ba naman sa atin ang walang tendensiya na maging makasarili? Laking pasasalamat natin na matiyaga tayong tinuturuan ni Jehova na maging di-makasarili, mas madamayin, at mas maawain​—gaya niya!

  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • c Nang sabihin ng Diyos na hindi alam ng mga taong iyon ang pagkakaiba ng kanan sa kaliwa, ipinakikita niyang wala silang kaalam-alam sa kaniyang mga pamantayan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share