Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hanggang Kailan Pa ang mga Balakyot?
    Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
    • 9 Matamang nakinig si Habakuk sa karagdagang mga salita ng Diyos, na nakasaad sa Habakuk 1:6-11. Ito ang mensahe ni Jehova​—at walang huwad na diyos o walang-buhay na idolo ang makahahadlang sa katuparan nito: “Narito, ibinabangon ko ang mga Caldeo, ang bansa na mapait at mapusok, na pumaparoon sa malalawak na dako sa lupa upang ariin ang mga tahanan na hindi nito pag-aari. Nakatatakot at kakila-kilabot iyon. Mula roon ay lumalabas ang sarili nitong katarungan at ang sarili nitong dangal. At ang mga kabayo nito ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, at sila ay mas mabangis kaysa sa mga lobo sa gabi. At dinadamba ng mga pandigmang kabayo nito ang lupa, at nanggagaling sa malayo ang mga pandigmang kabayo nito. Sila ay lumilipad na parang agila na nagtutumulin upang kumain. Ang kabuuan nito ay dumarating ukol sa pandarahas. Ang pagkakatipon ng kanilang mga mukha ay gaya ng hanging silangan, at ito ay nagtitipon ng mga bihag na tulad ng buhangin. At kung tungkol dito, ito ay nangungutya ng mga hari, at ang matataas na opisyal ay katawa-tawa para rito. Kung tungkol dito, pinagtatawanan nito maging ang bawat nakukutaang dako, at nagbubunton ito ng alabok at binibihag iyon. Sa pagkakataong iyon ay hahayo nga ito nang pasulong na gaya ng hangin at daraan at magkakasala. Ang gayong kapangyarihan nito ay dahil sa kaniyang diyos.”

  • Hanggang Kailan Pa ang mga Balakyot?
    Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
    • 11. Paano mo ilalarawan ang pagdating ng mga hukbo ng Babilonya laban sa Juda?

      11 Mas matulin ang mga kabayo ng Babilonya kaysa sa mabibilis na leopardo. Ang mga mangangabayo nito ay mas mabangis kaysa sa gutóm na mga lobo na naninila sa gabi. Palibhasa’y sabik na sabik nang humayo, di-makapaghintay na “dinadamba ng mga pandigmang kabayo nito ang lupa.” Nagtungo sila sa Juda mula sa malayong Babilonya. Sa paglipad na parang agila na nagtutumulin patungo sa isang masarap na pagkain, malapit nang dagitin ng mga Caldeo ang kanilang biktima. Subalit ito kaya’y isang pandarambong lamang, isang paglusob ng iilang sundalo? Aba, hindi! “Ang kabuuan nito ay dumarating ukol sa pandarahas,” na gaya ng isang ubod-laking kuyog na nagkukulumpunan upang maminsala. Samantalang nagniningning ang kanilang mga mukha sa kasabikan, sila’y sumasalakay pakanluran patungo sa Juda at Jerusalem, na kumikilos na kasimbilis ng hanging silangan. Tinatangay ng mga hukbo ng Babilonya ang napakaraming bilanggo anupat sila’y “nagtitipon ng mga bihag na tulad ng buhangin.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share