Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang mga Huling Araw—Isang Panahon ng Pag-aani
    Ang Bantayan—1988 | Enero 1
    • 9. Sino ang mga baguhang ito, at ano pang ibang mga hula ang bumabanggit ng tungkol sa kanilang paglitaw sa “huling bahagi ng mga araw”?

      9 Inaasahan ng mga baguhang ito ang pagtatamasa ng buhay sa isang lupang paraiso sa ilalim ng hinirang ni Jehova na Hari. (Awit 37:11, 29; 72:7-9) Ang pagtitipon sa kanila ay inihula sa mga ilan pang hula. Halimbawa, inihula ni Isaias na sa “katapusang bahagi ng mga araw” ang mga bansa ay huhugos sa bahay ni Jehova. (Isaias 2:2, 3) Si Hagai ay humula tungkol sa pagyanig sa mga bansa na sa panahong iyon “ang kanais-nais na mga bagay ng lahat ng bansa ay darating.” (Hagai 2:7) Si Zacarias ay bumanggit ng tungkol sa “sampung mga lalaki buhat sa lahat ng wika ng mga bansa” na sasama sa bayan ng Diyos. (Zacarias 8:23) Gayundin, si Jesus mismo ay humula tungkol sa “malaking pulutong” na ito. Sinabi niya: “Pagdating ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa kaniyang maluwalhating trono. At titipunin sa harap niya ang lahat ng bansa, at ang mga tao’y pagbubukdin-bukdin niya gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at mga kambing. At ang mga tupa ay ilalagay niya sa kaniyang kanan, ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.”​—Mateo 25:31-33.

  • Ang mga Huling Araw—Isang Panahon ng Pag-aani
    Ang Bantayan—1988 | Enero 1
    • 14. Anong uri ng mga tao ang tinitipon sa organisasyon ni Jehova?

      14 Mangyari pa, ang bayan ng Diyos ay hindi interesado sa pagsulong na basta pagsulong lamang. Batid nila, gayumpaman, na lahat ng mga baguhang iyon na dumadagsa sa organisasyon ni Jehova ay “kanais-nais na mga bagay” sa paningin ni Jehova. Marami sa kanila ang “nagbubuntong-hininga at dumadaing dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay” na kanilang nasasaksihan sa Sangkakristiyanuhan. (Ezekiel 9:4) Silang lahat ay humuhugos sa “bundok ni Jehova” sapagkat ibig nilang sila’y maturuan sa mga daan ng Diyos. (Isaias 2:2, 3) Anong tinding patotoo iyan ng pagpapala ni Jehova​—na sa bulok at materyalistikong sistemang ito ng mga bagay, daan-daang libong mga baguhan taun-taon ang nagpapakilala ng kanilang sarili bilang “kanais-nais na mga bagay” ni Jehova!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share