Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 159
  • Mapupunta Ba sa Langit ang mga Hayop?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mapupunta Ba sa Langit ang mga Hayop?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • May kaluluwa ba ang mga hayop?
  • Puwede bang mamatay ang kaluluwa?
  • Nagkakasala ba ang mga hayop?
  • Tama bang pagmalupitan ang mga hayop?
  • Mga Hayop
    Gumising!—2015
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Maruming Hayop
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kalupitan sa mga Hayop—Mali ba Ito?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 159
Aso

Mapupunta Ba sa Langit ang mga Hayop?

Ang sagot ng Bibliya

Itinuturo ng Bibliya na sa lahat ng nilalang sa lupa, limitado lang ang bilang ng mga taong pupunta sa langit. (Apocalipsis 14:1, 3) Pupunta sila roon para mamahala bilang mga hari at saserdote kasama ni Jesus. (Lucas 22:28-30; Apocalipsis 5:9, 10) Karamihan sa mga tao ay bubuhaying muli sa isang paraisong lupa.—Awit 37:11, 29.

Sa Bibliya, walang sinasabing langit para sa mga aso o alagang hayop—at makatuwiran naman iyan. Hindi maaabot ng mga hayop ang mga kuwalipikasyon para sa “makalangit na pagtawag.” (Hebreo 3:1) Kabilang dito ang pagkuha ng kaalaman, pananampalataya, at pagsunod sa mga utos ng Diyos. (Mateo 19:17; Juan 3:16; 17:3) Mga tao lang ang nilikha na may pag-asang mabuhay magpakailanman.—Genesis 2:16, 17; 3:22, 23.

Para mapunta sa langit, ang mga nilalang sa lupa ay kailangang buhaying muli. (1 Corinto 15:42) Mababasa sa Bibliya ang ilang ulat ng pagkabuhay-muli. (1 Hari 17:17-24; 2 Hari 4:32-37; 13:20, 21; Lucas 7:11-15; 8:41, 42, 49-56; Juan 11:38-44; Gawa 9:36-42; 20:7-12) Pero lahat sila ay tao, hindi hayop.

  • May kaluluwa ba ang mga hayop?

  • Puwede bang mamatay ang kaluluwa?

  • Nagkakasala ba ang mga hayop?

  • Tama bang pagmalupitan ang mga hayop?

May kaluluwa ba ang mga hayop?

Wala. Sinasabi ng Bibliya na ang mga hayop at tao ay kaluluwa. Nang lalangin ang unang lalaki, si Adan, hindi siya binigyan ng kaluluwa kundi “naging humihingang nilalang,” o kaluluwa. Ang kaluluwa ay binubuo ng dalawang bagay: “alabok ng lupa” at “hininga ng buhay.”—Genesis 1:20, talababa; Genesis 2:7, talababa.

Puwede bang mamatay ang kaluluwa?

Oo, itinuturo ng Bibliya na puwedeng mamatay ang kaluluwa. (Levitico 21:11, talababa; Ezekiel 18:20, talababa) Kapag namatay ang mga hayop at tao, bumabalik sila sa alabok ng lupa. (Eclesiastes 3:19, 20) Sa ibang pananalita, hindi na sila umiiral.

Nagkakasala ba ang mga hayop?

Hindi. Ang pagkakasala ay nangangahulugan ng pag-iisip, pagkadama, o paggawa ng bagay na labag sa mga pamantayan ng Diyos. Para magkasala, ang isang nilalang ay dapat na may kakayahang magpasiya tungkol sa tama o mali; walang ganitong kakayahan ang mga hayop. Kadalasan, kumikilos sila ayon sa instinct. (2 Pedro 2:12) Pagkatapos, namamatay sila kahit hindi sila nagkakasala.

Tama bang pagmalupitan ang mga hayop?

Hindi. Binigyan ng Diyos ang mga tao ng karapatang mamahala sa mga hayop, hindi ng karapatang maltratuhin ang mga ito. (Genesis 1:28; Awit 8:6-8) May malasakit ang Diyos sa kapakanan ng bawat hayop—kasama na ang maliliit na ibon. (Jonas 4:11; Mateo 10:29) Iniutos niya sa mga mananamba niya na tratuhin nang tama ang mga hayop.—Exodo 23:12; Deuteronomio 25:4; Kawikaan 12:10.

Mga teksto sa Bibliya tungkol sa mga hayop

Genesis 1:28 “Pinagpala sila [ang mga unang tao] ng Diyos at sinabi: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at pangasiwaan iyon, at pamahalaan ninyo ang mga isda sa dagat at lumilipad na mga nilalang sa langit at bawat buháy na nilalang na gumagala sa ibabaw ng lupa.’”

Ibig sabihin: Binigyan ng Diyos ang mga tao ng karapatang mamahala sa mga hayop.

Kawikaan 12:10: “Inaalagaan ng matuwid ang alaga niyang hayop.”

Ibig sabihin: Ang mabubuting tao ay nagmamalasakit sa mga hayop, kasama na ang mga alaga nila.

Mateo 10:29: “Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Pero walang isa man sa mga ito ang nahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama.”

Ibig sabihin: Napapansin ng Diyos ang mga hayop, kahit ang maliliit na ibon, at nagmamalasakit siya sa mga ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share