Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb17 Disyembre p. 5
  • Bagong Feature ng Pulong sa Gitnang Sanlinggo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Feature ng Pulong sa Gitnang Sanlinggo
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Betfage, Bundok ng mga Olibo, at Jerusalem
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Betfage
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pako sa Buto ng Sakong
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Olibo, Bundok ng mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
mwb17 Disyembre p. 5
Ang Ebanghelyo ni Mateo sa online study edition ng New World Translation

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Bagong Feature ng Pulong sa Gitnang Sanlinggo

Simula sa Enero 2018, magiging bahagi na ng pulong sa gitnang sanlinggo ang media at ang impormasyon para sa pag-aaral mula sa online study edition ng New World Translation of the Holy Scriptures (nwtsty), kahit wala pa ito sa inyong wika. Tiyak na tutulong ito para mas makapaghanda kang mabuti para sa pulong. Higit sa lahat, mas mapapalapít ka sa ating maibiging Ama, si Jehova!

IMPORMASYON PARA SA PAG-AARAL

Ang impormasyon para sa pag-aaral ay nagbibigay ng kaunawaan tungkol sa kultura, heograpiya, at pananalitang ginamit sa maraming talata sa Bibliya.

Mateo 12:20

Aandap-andap na linong mitsa: Ang karaniwang lampara ay isang lalagyang luwad na punô ng langis ng olibo. Sinisipsip ng linong mitsa ang langis para magtuloy-tuloy ang apoy. Ang Griegong pananalitang “aandap-andap na linong mitsa” ay maaaring tumukoy sa mitsang umuusok dahil may baga pa, pero papahinâ na ang apoy o patay na. Inihula sa Isaias 42:3 ang pagkamahabagin ni Jesus; hinding-hindi niya papatayin ang natitirang pag-asa ng mga mapagpakumbaba at inaapi.

Mateo 26:13

Katotohanan: Griegong a·menʹ, isang transliterasyon ng Hebreong ʼa·menʹ, na nangangahulugang “mangyari nawa,” o “tiyak nga.” Madalas gamitin ni Jesus ang salitang iyan bilang pambungad sa isang pangungusap, pangako, o hula, para idiin na tunay at maaasahan ang kaniyang sinabi. Ang paggamit ni Jesus ng salitang ‘katotohanan,’ o amen, sa gayong paraan ay sinasabing natatangi sa sagradong akda. Sa buong Ebanghelyo ni Juan, dinodoble ni Jesus ang salitang “amen.” Idiniriin nito na talagang totoo at maaasahan ang kaniyang sinabi.

MEDIA

Mga litrato, artwork, silent video, at animation na naglalarawan sa iba’t ibang detalyeng nakaulat sa Bibliya.

Betfage, Bundok ng mga Olibo, at Jerusalem

Sa video na ito, masusundan natin ang ruta papalapit sa Jerusalem mula sa silangan, sa nayon ng makabagong-panahong et-Tur—na sinasabing ang Betfage na binabanggit sa Bibliya—patungo sa isa sa mataas na dako ng Bundok ng mga Olibo. Ang Betania ay nasa silangan ng Betfage, sa silangan ng Bundok ng mga Olibo. Kapag nasa Jerusalem si Jesus at ang kaniyang mga alagad, nagpapalipas sila ng gabi sa Betania na ngayon ay bayan ng el-ʽAzariyeh (El ʽEizariya), isang pangalang Arabe na nangangahulugang “Ang Lugar ni Lazaro.” Tiyak na tumutuloy si Jesus sa bahay nina Marta, Maria, at Lazaro. (Mat 21:17; Mar 11:11; Luc 21:37; Ju 11:1) Kapag naglalakbay papuntang Jerusalem mula sa kanilang tahanan, posibleng sinusundan ni Jesus ang ruta na gaya ng nasa video. Noong Nisan 9, 33 C.E., nang maglakbay si Jesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa Bundok ng mga Olibo sakay ng bisiro, posibleng galing siya sa Betfage.

Ruta na posibleng sinundan ni Jesus mula sa Betania papuntang Jerusalem
  1. Daan mula Betania papuntang Betfage

  2. Betfage

  3. Bundok ng mga Olibo

  4. Libis ng Kidron

  5. Gulod ng Templo

Pako sa Buto ng Sakong ng Isang Tao

Buto ng sakong ng isang tao na may nakatusok na pako

Replika ito ng buto ng sakong na may nakatusok na pakong bakal na 11.5 sentimetro ang haba. Ang orihinal na artifact nito, na natuklasang mula pa noong panahon ng mga Romano, ay natagpuan noong 1968 sa isang paghuhukay sa hilagang Jerusalem. Ebidensiya ito na ang mga pako ay malamang na ginagamit sa paglalapat ng hatol na kamatayan sa tulos. Ang pakong ito ay maaaring katulad ng ginamit ng mga sundalong Romano sa pagpapako kay Jesu-Kristo sa tulos. Ang artifact ay natagpuan sa isang lalagyang bato, na tinatawag na ossuary, kung saan inilalagay ang tuyong buto ng bangkay kapag nabulok na ang laman nito. Ipinakikita nito na maaaring ilibing ang taong hinatulan ng kamatayan sa tulos.—Mat 27:35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share