Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 53 p. 130-p. 131 par. 7
  • Isang Tagapamahalang May Kontrol sa Kalikasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Tagapamahalang May Kontrol sa Kalikasan
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Ninanasang Hari na Mas Makapangyarihan Kaysa Tao
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Isang Ninanasang Hari na mas Makapangyarihan Kaysa Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaya Tayong Ingatan ni Jesus
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 53 p. 130-p. 131 par. 7
Habang naglalakad si Pedro sa ibabaw ng tubig, nagsimula siyang lumubog; inabót ni Jesus ang kamay ni Pedro

KABANATA 53

Isang Tagapamahalang May Kontrol sa Kalikasan

MATEO 14:22-36 MARCOS 6:45-56 JUAN 6:14-25

  • GUSTO NG MGA TAO NA GAWING HARI SI JESUS

  • NAGLAKAD SI JESUS SA TUBIG; PINAKALMA ANG HANGIN

Malaki ang epekto ng makahimalang pagpapakain ni Jesus sa mga tao. Sinabi nila na “ito talaga ang Propeta na darating sa mundo,” ang Mesiyas, at na magiging mahusay siyang tagapamahala. (Juan 6:14; Deuteronomio 18:18) Kaya plano nilang kunin nang puwersahan si Jesus para gawin siyang hari.

Pero nalaman ni Jesus ang balak ng mga tao. Pinauwi niya ang mga tao at pinasakay sa bangka ang mga alagad. Saan sila pupunta? Pupunta sila sa Betsaida at pagkatapos ay sa Capernaum. Pumunta naman si Jesus sa bundok at nanalangin nang gabing iyon.

Maliwanag ang buwan at magmamadaling-araw na nang makita ni Jesus ang bangka. Umaalimbukay ang alon dahil sa malakas na hangin, at ang mga apostol ay “nahihirapan sa pagsagwan, dahil ang hangin ay pasalungat sa kanila.” (Marcos 6:48) Bumaba si Jesus sa bundok at naglakad sa tubig papunta sa kanila. Sa pagkakataong ito, ‘nakalayo na sila nang mga lima o anim na kilometro.’ (Juan 6:19) Nakita ng mga alagad si Jesus na waring dumaraan sa harap nila, kaya natakot sila at sinabi: “Totoo ba ito?”—Marcos 6:49.

Sumagot si Jesus: “Lakasan ninyo ang loob ninyo! Ako ito; huwag kayong matakot.” Sinabi ni Pedro: “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” Sumagot si Jesus: “Halika!” Kaya bumaba si Pedro mula sa bangka at naglakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Pero nang makita ni Pedro ang malakas na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” Agad na inabót ni Jesus ang kamay ni Pedro at sinabi rito: “Ikaw na may kakaunting pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”—Mateo 14:27-31.

Sumampa si Pedro at si Jesus sa bangka, at humupa ang hangin. Namangha ang mga alagad, pero dapat ba? Kung “nakuha [nila] ang aral sa ginawa niyang himala sa mga tinapay,” ang makahimalang pagpapakain ni Jesus sa libo-libo mga ilang oras lang ang nakalilipas, hindi na nila dapat ikinamangha ang paglalakad niya sa ibabaw ng tubig at pagpapakalma sa hangin. Ngayon, lumuhod sila sa kaniya at sinabi: “Talagang ikaw ang Anak ng Diyos.”—Marcos 6:52; Mateo 14:33.

Narating nila ang maganda at mabungang kapatagan ng Genesaret, sa timog ng Capernaum. Iniangkla nila ang bangka at bumaba sa dalampasigan. Namukhaan ng mga tagaroon si Jesus kaya dinala nila sa kaniya, pati ng mga tao sa nakapalibot na lugar, ang kanilang mga maysakit. At pagkahawak ng mga ito sa palawit ng damit ni Jesus, gumaling sila.

Nang maglaon, nalaman ng mga makahimalang pinakain ni Jesus na umalis na siya. Kaya nang may dumating na maliliit na bangka mula sa Tiberias, sumakay sila papunta sa Capernaum para hanapin si Jesus. Nang makita nila siya, nagtanong sila: “Rabbi, kailan ka dumating dito?” (Juan 6:25) Sinaway sila ni Jesus, at makikita natin ang dahilan.

  • Matapos pakainin ni Jesus ang libo-libo, ano ang gustong gawin ng mga tao sa kaniya?

  • Bakit hindi dapat ikamangha ng mga alagad ang paglalakad ni Jesus sa ibabaw ng tubig at pagpapakalma sa hangin?

  • Ano ang nangyari pagdating ni Jesus sa dalampasigan malapit sa Capernaum?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share