-
Matapat Siya sa Harap ng mga PagsubokTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
Matapat Kahit Itinuwid
11. Sa anong paglalakbay isinama ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod? (Tingnan din ang talababa.)
11 Di-nagtagal matapos ang pangyayaring iyon, isinama ni Jesus ang kaniyang mga apostol at ilang alagad sa isang mahabang paglalakbay pahilaga. May panahong ang tuktok ng Bundok Hermon na nababalutan ng niyebe, na nasa pinakahilagang hangganan ng Lupang Pangako, ay masasalamin kahit sa asul na katubigan ng Dagat ng Galilea. Ang bundok ay parang lalong tumataas habang papalapit ang grupo, na tumahak sa paahong lupain patungo sa mga nayon malapit sa Cesarea Filipos.b Sa magandang lugar na ito, kung saan natatanaw ang Lupang Pangako sa timog, isang mahalagang tanong ang iniharap ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod.
12, 13. (a) Bakit itinanong ni Jesus kung ano ang sinasabi ng pulutong tungkol sa kaniya? (b) Sa kaniyang sinabi kay Jesus, paano nagpakita si Pedro ng tunay na pananampalataya?
12 “Sino ako ayon sa sinasabi ng mga pulutong?” ang tanong ni Jesus. Maguguniguni natin si Pedro na nakatingin sa mapagmasid na mga mata ni Jesus, anupat muli niyang nakita ang kabaitan at katalinuhan ng kaniyang Panginoon. Interesado si Jesus na malaman kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kaniya batay sa kanilang nakita at narinig. Sinabi lang ng mga alagad ni Jesus ang ilang maling pagkakilala ng mga tao tungkol sa kaniya. Pero higit pa ang gustong malaman ni Jesus. Ganoon din ba ang pagkakilala sa kaniya ng malalapít na tagasunod niya? “Kayo naman, sino ako ayon sa sinasabi ninyo?” ang tanong niya.—Luc. 9:18-20.
-
-
Matapat Siya sa Harap ng mga PagsubokTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
b Mula sa baybayin ng Dagat ng Galilea, naglakbay ang grupo nang 50 kilometro na binabagtas ang mga rehiyon na may magagandang tanawin. Ito ay paahong paglalakbay mula sa mga 210 metro ang kababaan sa kapantayan ng dagat hanggang sa 350 metro ang taas mula sa kapantayan ng dagat.
-