Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Papa sa Roma—“Kahalili ni San Pedro”?
    Ang Bantayan—2011 | Agosto 1
    • Si Pedro ba ang Unang Papa?

      Para patunayang si Pedro ang pundasyon ng Simbahan, matagal nang ginagamit ng mga Katoliko ang sinabi ni Jesus sa Mateo 16:18: “Ikaw ay si Pedro, at sa batong-limpak na ito ay itatayo ko ang aking kongregasyon.” Sa katunayan, ito ay nakasulat sa wikang Latin sa simburyo ng St. Peter’s Basilica sa Roma.

      Si Augustine, isang pinagpipitagang Ama ng Simbahan, ay minsang nanindigan na si Pedro ang pundasyon ng kongregasyon. Pero noong huling bahagi ng kaniyang buhay, binago niya ang kaniyang pakahulugan sa sinabi ni Jesus. Sa akdang Retractations, ikinatuwiran ni Augustine na si Jesus, at hindi si Pedro, ang pundasyon ng simbahan, samakatuwid nga, ang kongregasyong Kristiyano.a

      Totoo, si apostol Pedro ay madalas banggitin sa mga Ebanghelyo. Sa mga apostol ni Jesus, tatlo lang ang isinama niya sa ilang mahahalagang pagkakataon​—sina Juan, Santiago, at Pedro. (Marcos 5:37, 38; 9:2; 14:33) Ipinagkatiwala ni Jesus kay Pedro ang “mga susi ng kaharian ng langit,” na ginamit naman ni Pedro para buksan ang daan tungo sa Kaharian​—una ay sa mga Judio at mga proselita, pagkatapos ay sa mga Samaritano, at panghuli ay sa mga Gentil. (Mateo 16:19; Gawa 2:5, 41; 8:14-17; 10:45) Dahil sa personalidad ni Pedro, may mga pagkakataong siya ang nagsilbing tagapagsalita para sa mga apostol. (Gawa 1:15; 2:14) Pero ibig bang sabihin nito ay siya ang ulo ng sinaunang kongregasyon?

      Isinulat ni apostol Pablo na si Pedro ay pinagkatiwalaan ng “pagka-apostol doon sa mga tuli.” (Galacia 2:8) Pero ayon sa konteksto ng mga salita ni Pablo, hindi naman niya sinasabing si Pedro ang nangangasiwa sa kongregasyon. Ang tinutukoy ni Pablo ay ang papel ni Pedro sa pangangaral sa mga Judio.

      Bagaman binigyan si Pedro ng malaking pananagutan, walang sinasabi sa Bibliya na inangkin niyang siya ang ulo ng kongregasyon anupat siya ang nagdedesisyon para sa mga alagad bilang isang grupo. Sa kaniyang liham, tinukoy lang niya ang kaniyang sarili bilang “isang apostol” at “isang matandang lalaki.”​—1 Pedro 1:1; 5:1.

  • Papa sa Roma—“Kahalili ni San Pedro”?
    Ang Bantayan—2011 | Agosto 1
    • a Ang pakikipag-usap ni Jesus kay Pedro ay nakasentro sa pagtukoy sa Kristo at sa kaniyang papel, at hindi sa papel na gagampanan ni Pedro. (Mateo 16:13-17) Nang maglaon, sinabi mismo ni Pedro na si Jesus ang batong pundasyon ng kongregasyon. (1 Pedro 2:4-8) Binanggit din ni apostol Pablo na si Jesus, at hindi si Pedro, ang “pundasyong batong-panulok” ng kongregasyong Kristiyano.​—Efeso 2:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share