-
Kung Bakit Iniwan Ko ang Pagkapari Para sa Isang Mas Mabuting MinisteryoGumising!—1993 | Setyembre 8
-
-
Nasumpungan ko na ang kapuwa mga palagay ay hindi kalugud-lugod, yamang ang mga ito ay walang katotohanan ng Ebanghelyo. Ito’y pagpilipit ng Mateo 16:18, 19 at nagpapahintulot sa lahat ng nakalipas at hinaharap na hindi makakasulatang mga doktrina at turo ng simbahan.b Napansin ko na ang mga salitang Griego na ginamit sa tekstong ito, ang peʹtra (pambabae), nangangahulugang “isang batong-bundok,” at peʹtros (panlalaki), nangangahulugang “piraso ng bato,” ay hindi ginamit ni Jesus bilang mga kasingkahulugan. Isa pa, kung si Pedro ay binigyan ng kahigitan bilang ang batong-bundok, tulad ng isang batong-panulok, wala sanang pagtatalo sa gitna ng mga apostol nang dakong huli sa kung sino ang pinakadakila sa kanila. (Ihambing ang Marcos 9:33-35; Lucas 22:24-26.) Gayundin, si Pablo ay hindi mangangahas na sawayin si Pedro nang hayagan dahil sa “hindi paglakad nang matuwid ayon sa katotohanan ng mabuting balita.” (Galacia 2:11-14) Nahinuha ko na ang lahat ng inianak-sa-espiritu na mga tagasunod ni Kristo ay pare-parehong tulad-bato, na si Jesus ang kanilang pundasyong batong-panulok.—1 Corinto 10:4; Efeso 2:19-22; Apocalipsis 21:2, 9-14.
-
-
Kung Bakit Iniwan Ko ang Pagkapari Para sa Isang Mas Mabuting MinisteryoGumising!—1993 | Setyembre 8
-
-
b Ang tekstong ito ay nagsasabi sa bahagi, ayon sa Katolikong New American Bible: “Sinasabi ko sa iyo, ikaw ay ‘Bato,’ at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya . . . Anumang talian mo sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang kalagan mo sa lupa ay kakalagan sa langit.”—Tingnan ang kahon, pahina 23.
-