Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Pangitain ng Kaluwalhatian ng Kaharian ni Kristo
    Ang Bantayan—1988 | Enero 1
    • SI JESUS ay huminto samantalang patungo sa Cesarea Filipos, at siya’y nagtuturo sa isang lubhang karamihan ng tao kasama roon ang kaniyang mga apostol. Siya’y nagpahayag sa kanila ng ganitong kagila-gilalas na pangungusap: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na may ilan na nangakatayo rito na hindi titikim ng kamatayan sa anumang paraan hanggang sa kanilang makita muna ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.”

      ‘Ano kaya ang ibig sabihin ni Jesus?’ ang pagtataka marahil ng mga alagad. Mga isang linggo ang nakaraan, ipinagsama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Marahil iyon ay kinagabihan, yamang ang mga alagad ay nangag-aantok. Samantalang nananalangin si Jesus, siya ay nagbagong-anyo sa harap nila. Ang kaniyang mukha ay naging kasinliwanag ng araw, at ang kaniyang mga kasuotan ay pumuting katulad sa ilaw.

  • Isang Pangitain ng Kaluwalhatian ng Kaharian ni Kristo
    Ang Bantayan—1988 | Enero 1
    • Anong laking pampatibay-loob ang pangitaing ito, kapuwa kay Jesus at sa mga alagad! Ang pangitain ay, wika nga, isang patiunang pagpapakita ng kaluwalhatian ng Kaharian ni Kristo. Sa katunayan, nakita ng mga alagad ang “Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian,” gaya ng ipinangako ni Jesus may isang linggo bago noon. Pagkamatay ni Jesus, si Pedro ay sumulat tungkol sa ‘pagiging mga saksi sa kaluwalhatian ni Kristo samantalang kami’y kasa-kasama niya sa banal na bundok.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share