Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Makinig sa Tinig ni Jehova
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2019 | Marso
    • “MAKINIG KAYO SA KANIYA”

      7. Ayon sa Mateo 17:1-5, kailan nagsalita si Jehova mula sa langit, at ano ang sinabi niya?

      7 Basahin ang Mateo 17:1-5. Ang ikalawang pagkakataon na nagsalita si Jehova mula sa langit ay noong ‘magbagong-anyo’ si Jesus. Isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok. Doon, nakita nila ang isang kamangha-manghang pangitain. Nagliliwanag ang mukha ni Jesus at nagniningning ang damit niya. Dalawang tao, na kumakatawan kina Moises at Elias, ang nakikipag-usap kay Jesus tungkol sa nalalapit niyang kamatayan at pagkabuhay-muli. “Nag-aagaw-tulog” ang tatlong apostol, pero gising na gising sila nang makita nila ang kahanga-hangang pangitaing ito. (Luc. 9:29-32) Sumunod, isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila, at narinig nila ang isang tinig mula sa ulap—ang tinig ng Diyos! Gaya noong bautismuhan si Jesus, ipinahayag ni Jehova ang kaniyang pagsang-ayon at pag-ibig sa Anak niya. Sinabi niya: “Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.” Pero idinagdag pa ni Jehova: “Makinig kayo sa kaniya.”

  • Makinig sa Tinig ni Jehova
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2019 | Marso
    • 9. Anong magagandang payo ang ibinigay ni Jesus sa mga alagad niya?

      9 “Makinig kayo sa kaniya.” Malinaw na ipinakita ni Jehova na gusto niyang makinig tayo at sumunod sa kaniyang Anak. Ano ba ang mga sinabi ni Jesus noong nasa lupa siya? Marami siyang mahahalagang sinabi! Halimbawa, itinuro niya sa kaniyang mga tagasunod kung paano ipangangaral ang mabuting balita, at paulit-ulit niya silang pinaalalahanan na patuloy na magbantay. (Mat. 24:42; 28:19, 20) Pinasigla rin niya sila na gawin ang buo nilang makakaya at huwag sumuko. (Luc. 13:24) Idiniin ni Jesus na kailangan ng kaniyang mga tagasunod na ibigin ang isa’t isa, manatiling nagkakaisa, at sundin ang mga utos niya. (Juan 15:10, 12, 13) Magagandang payo nga ang ibinigay ni Jesus sa mga alagad niya! At hindi pa rin kumukupas ang mga payong iyan hanggang sa panahon natin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share