-
Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng DiyosAng Bantayan—2000 | Abril 1
-
-
6. (a) Bakit tinawag ni Jesus na isang pangitain ang pagbabagong-anyo? (b) Patiunang pagpapaaninag ng ano ang pagbabagong-anyo?
6 Ang kahanga-hangang pangyayaring ito ay malamang na naganap sa isa sa mga tagaytay ng Bundok Hermon, kung saan si Jesus at ang tatlong apostol ay nagpalipas ng gabi. Malamang na ang pagbabagong-anyong ito ay naganap sa gabi, anupat lalo itong naging matingkad. Ang isang dahilan kung bakit tinawag iyon ni Jesus na isang pangitain ay sapagkat ang malaon nang patay na sina Moises at Elias ay hindi naman literal na naroroon. Si Kristo lamang ang aktuwal na naroroon. (Mateo 17:8, 9) Ang nakasisilaw na pagtatanghal na iyon ay nagbigay kina Pedro, Santiago, at Juan ng isang kahanga-hangang patiunang pagpapaaninag ng maluwalhating presensiya ni Jesus taglay ang kapangyarihan sa Kaharian. Sina Moises at Elias ang katumbas ng mga pinahirang kasamang tagapagmana ni Jesus, at buong-kapangyarihang pinagtibay ng pangitain ang kaniyang patotoo hinggil sa Kaharian at sa kaniyang paghahari sa hinaharap.
-
-
Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng DiyosAng Bantayan—2000 | Abril 1
-
-
8. (a) Ang pahayag ng Diyos hinggil sa kaniyang Anak ay nagtutuon ng pansin sa ano? (b) Ano ang ipinahihiwatig ng ulap na lumitaw sa pagbabagong-anyo?
8 Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paghahayag ng Diyos: “Ito ang aking Anak, ang aking iniibig, na akin mismong sinang-ayunan; makinig kayo sa kaniya.” Ang pangungusap na ito’y nagtutuon ng pansin kay Jesus bilang ang Hari na iniluklok ng Diyos, na siyang dapat sundin ng lahat ng nilalang. Ang lumililim na ulap ay nagpahiwatig na ang katuparan ng pangitaing ito ay hindi makikita. Ito’y matatalos lamang ng mga mata ng unawa sa bahagi niyaong mga kumikilala sa “tanda” ng di-nakikitang pagkanaririto ni Jesus na taglay ang kapangyarihan sa Kaharian. (Mateo 24:3) Sa katunayan, ang instruksiyon ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang tungkol sa pangitain hanggang sa siya’y ibangon mula sa mga patay ay nagpapakitang siya’y itataas at luluwalhatiin matapos na siya’y buhaying-muli.
-