Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Drakma”
  • Drakma

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Drakma
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Drakma
    Glosari
  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Salapi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Drakma”

DRAKMA

Isang Griegong baryang pilak na ginagamit hanggang noong unang siglo C.E. (Luc 15:8, 9) Ang drakma ng Attica ay may ulo ng diyosang si Athena sa isang panig at isang kuwago naman sa kabilang panig. Pagsapit ng panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa, malamang na bumaba na ang halaga ng drakma at naging mga 3.4 g (0.109 onsa t) anupat sa ngayon ay nagkakahalaga ito ng 65 sentimo [U.S.]. Noong unang siglo C.E., itinutumbas ng mga Griego ang drakma sa denario, ngunit opisyal na itinuring ng pamahalaang Romano ang drakma bilang tatlong kapat ng halaga ng isang denario. Nagbabayad noon ang mga Judio ng taunang buwis sa templo na dalawang drakma (isang didrakma).​—Mat 17:24.

Ang Griegong pilak na drakma ay hindi dapat ipagkamali sa gintong “drakma” (dar·kemohnʹ) sa Hebreong Kasulatan, na isang barya na karaniwang itinutumbas sa Persianong darik (8.4 g; 0.27 onsa t; $94.50 batay sa makabagong mga halaga).​—Ezr 2:69; Ne 7:70-72.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share