-
“Kung May Obligasyon Kayo sa Buwis, Bayaran Ninyo ang Buwis”Ang Bantayan—1994 | Nobyembre 15
-
-
Maging di-mapupulaan. Ang Kristiyanong mga tagapangasiwa ay kailangang “di-mapupulaan” upang maging kuwalipikado sa kanilang posisyon. Gayundin, ang buong kongregasyon ay dapat na di-mapupulaan sa paningin ng Diyos. (1 Timoteo 3:2; ihambing ang Efeso 5:27.) Kaya naman nagsusumikap sila na panatilihin ang mabuting reputasyon sa komunidad, kahit na may kinalaman sa pagbabayad ng buwis. Si Jesu-Kristo mismo ang nagpakita ng halimbawa hinggil dito. Itinanong sa kaniyang alagad na si Pedro kung si Jesus ay nagbayad ng buwis sa templo, isang maliit na bagay na may halagang dalawang drakma. Ang totoo, si Jesus ay libre buhat sa buwis na ito, yamang ang templo ay bahay ng kaniyang Ama at walang hari ang nagtatakda ng buwis sa kaniyang sariling anak. Gayon ang sinabi ni Jesus; gayunma’y binayaran niya ang buwis na iyan. Sa katunayan, gumamit pa siya ng isang himala upang gumawa ng kinakailangang salapi! Bakit babayaran ang isang buwis na hindi niya obligasyon? Gaya ng sinabi mismo ni Jesus, iyon ay “upang hindi natin mapangyari na sila ay matisod.”—Mateo 17:24-27.b
-
-
“Kung May Obligasyon Kayo sa Buwis, Bayaran Ninyo ang Buwis”Ang Bantayan—1994 | Nobyembre 15
-
-
b Kapuna-puna, ang Mateo ang tanging Ebanghelyo na nag-ulat ng pangyayaring ito sa buhay ni Jesus sa lupa. Bilang isa mismong dating maniningil ng buwis, walang alinlangan na humanga si Mateo sa saloobin ni Jesus hinggil dito.
-