Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova na Iyong Diyos ang Dapat Mong Sambahin”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • “Kung Luluhod Ka at Sasamba sa Akin Nang Kahit Isang Beses”

      8. Sa ikatlong tukso, paano ipinakita ni Satanas ang talagang pakay niya?

      8 Basahin ang Mateo 4:8-11. Sa ikatlong tukso, lantaran nang ipinakita ni Satanas ang pakay niya. Ipinakita niya kay Jesus (malamang na sa pangitain) “ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kaluwalhatian ng mga ito”—pero hindi niya isinama ang mga depekto nito. Saka niya sinabi: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung luluhod ka at sasamba sa akin nang kahit isang beses.”b Pagsamba—iyon talaga ang pakay ni Satanas! Gusto ni Satanas na talikuran ni Jesus ang kaniyang Ama at gawing diyos ang Manunukso. Parang walang kahirap-hirap ang alok ni Satanas. Pinalalabas niyang makukuha ni Jesus ang kapangyarihan at kayamanan ng mga bansa, at hindi nito kailangang magdusa—walang koronang tinik, hagupit, o pahirapang tulos. Totoo ang alok ni Satanas. Hindi kinuwestiyon ni Jesus na si Satanas ang namamahala sa mga gobyerno sa mundo! (Juan 12:31; 1 Juan 5:19) Tiyak na ibibigay ni Satanas ang lahat para maitalikod si Jesus sa dalisay na pagsamba.

      Magkakasamang nag-aaral ng aklat na Dalisay na Pagsamba

      KAHON 1A: Ano ang Ibig Sabihin ng Pagsamba?

      9. (a) Ano ang gusto ni Satanas na gawin ng tunay na mga mananamba? Paano niya tayo tinutukso? (b) Ano ang kasama sa ating pagsamba? (Tingnan ang kahong “Ano ang Ibig Sabihin ng Pagsamba?”)

      9 Sa ngayon, gusto rin ni Satanas na sambahin natin siya—sa tuwiran o sa di-tuwirang paraan. Bilang “diyos ng sistemang ito,” siya ang tumatanggap ng pagsamba ng lahat ng huwad na relihiyon ng Babilonyang Dakila. (2 Cor. 4:4) Pero hindi pa rin siya kontento sa bilyon-bilyong huwad na mananamba, kaya tinutukso niya ang tunay na mga mananamba na sumalungat sa kalooban ng Diyos. Tinutukso niya tayo na maghangad ng kayamanan at kapangyarihan sa mundo niya sa halip na mamuhay bilang Kristiyano, na maaaring may kasamang pagdurusa “alang-alang sa katuwiran.” (1 Ped. 3:14) Kung matutukso tayong talikuran ang dalisay na pagsamba at maging bahagi ng mundo ni Satanas, para na rin tayong sumasamba sa kaniya, na ginagawa siyang diyos natin. Paano natin malalabanan ang ganitong tukso?

      10. Paano tumugon si Jesus sa ikatlong tukso, at bakit?

      10 Pansinin ang tugon ni Jesus sa ikatlong tukso. Para ipakita na talagang tapat siya kay Jehova, agad niyang sinabi sa Manunukso: “Lumayas ka, Satanas!” Gaya ng ginawa ni Jesus sa unang dalawang tukso, ang sinipi niya sa Deuteronomio ay naglalaman ng pangalan ng Diyos: “Nasusulat: ‘Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’” (Mat. 4:10; Deut. 6:13) Tinanggihan ni Jesus ang tukso na maging prominente sa mundo nang sandaling panahon at ang buhay na walang pagdurusa. Alam niya na ang kaniyang Ama lang ang karapat-dapat sambahin at ang ‘pagsamba nang kahit isang beses’ kay Satanas ay para na ring pagpapasakop dito. Matatag na tumanggi si Jesus na gawing diyos ang napakasamang Manunukso. Dahil dito, “iniwan siya ng Diyablo.”c

      Pinalayas ni Jesus si Satanas

      “LUMAYAS KA, SATANAS!” (Tingnan ang parapo 10)

      11. Paano natin malalabanan si Satanas at ang mga tukso niya?

      11 Malalabanan natin si Satanas at ang mga tukso sa mundo niya dahil puwede tayong pumili gaya ni Jesus. Binigyan tayo ni Jehova ng napakahalagang regalo—ang kalayaang magpasiya. Kaya walang makakapilit sa atin na talikuran ang dalisay na pagsamba—kahit pa ang makapangyarihan at napakasamang espiritung Manunukso. Kung ‘maninindigan tayo laban kay Satanas at magiging matatag sa pananampalataya,’ para bang sinasabi natin: “Lumayas ka, Satanas!” (1 Ped. 5:9) Tandaan na umalis si Satanas matapos siyang tanggihan ni Jesus. Kaya tinitiyak din sa atin ng Bibliya: “Labanan ninyo ang Diyablo, at lalayo siya sa inyo.”—Sant. 4:7.

      Pagtanggi sa tuksong magnakaw, maging imoral, o magpakalasing

      Puwede nating piliin na labanan ang mga tukso sa mundo ni Satanas (Tingnan ang parapo 11, 19)

      Ang Kaaway ng Dalisay na Pagsamba

      12. Sa Eden, paano pinatunayan ni Satanas na siya ang kaaway ng dalisay na pagsamba?

      12 Sa huling tukso, pinatunayan ni Satanas na siya ang orihinal na kaaway ng dalisay na pagsamba. Libo-libong taon bago nito, sa hardin ng Eden, unang ipinakita ni Satanas na napopoot siya sa pagsamba kay Jehova. Nang dayain niya si Eva, na humikayat naman kay Adan na suwayin ang utos ni Jehova, nagawa ni Satanas na mapasailalim sila sa kaniyang pamamahala at kontrol. (Basahin ang Genesis 3:1-5; 2 Cor. 11:3; Apoc. 12:9) Ang totoo, si Satanas ang naging diyos nila, at sila ay naging mga mananamba niya, kahit na posibleng hindi nila kilala kung sino ang dumadaya sa kanila. At nang pasimulan ni Satanas ang rebelyon sa Eden, hindi lang niya kinuwestiyon ang soberanya, o karapatang mamahala, ni Jehova; sinalakay rin niya ang dalisay na pagsamba. Paano?

  • “Si Jehova na Iyong Diyos ang Dapat Mong Sambahin”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • b Tungkol sa pananalita ni Satanas, sinasabi ng isang reperensiya sa Bibliya: “Gaya noong kauna-unahang ulat ng pagsubok, na hindi napagtagumpayan nina Adan at Eva . . . , ang talagang isyu ay kung alin ang pipiliin—ang kalooban ni Satanas o ang kalooban ng Diyos—at kasama rito ang pag-uukol ng pagsamba sa isa sa kanila. Itinataas ni Satanas ang sarili niya bilang diyos kapalit ng nag-iisang Diyos.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share