Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w02 3/15 p. 19
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Birheng Maria—Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Kaniya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
w02 3/15 p. 19

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Nagkaroon ba ng negatibong epekto ang di-kasakdalan ng dalagang birhen na si Maria sa paglilihi kay Jesus?

Hinggil sa ‘kapanganakan ni Jesus,’ sinasabi ng kinasihang ulat: “Noong panahon na ang kaniyang inang si Maria ay ipinangakong mapangasawa ni Jose, siya ay nasumpungang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng banal na espiritu bago sila nagsama.” (Mateo 1:18) Tunay nga, ang banal na espiritu ay gumanap ng mahalagang papel sa pagdadalang-tao ni Maria.

Subalit kumusta naman si Maria? May papel bang ginampanan ang kaniyang selulang itlog, o ovum, sa kaniyang pagdadalang-tao? Kung isasaalang-alang ang mga ipinangako ng Diyos kina Abraham, Isaac, Jacob, Juda, at Haring David​—mga ninuno ni Maria​—ang batang isisilang ay dapat na maging tunay na inapo nila. (Genesis 22:18; 26:24; 28:10-14; 49:10; 2 Samuel 7:16) Ano pa ba ang ibang paraan upang ang batang isisilang ni Maria ay maging karapat-dapat na tagapagmana ng mga pangakong iyon ng Diyos? Siya ay kailangang maging aktuwal na anak ni Maria.​—Lucas 3:23-34.

Nagpakita ang anghel ni Jehova sa dalagang birhen na si Maria, na sinasabi: “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng lingap ng Diyos; at, narito! ikaw ay maglilihi sa iyong bahay-bata at magsisilang ng isang anak na lalaki, at tatawagin mong Jesus ang pangalan nito.” (Lucas 1:30, 31) Kinakailangang mapunlaan ang isang selulang itlog para maganap ang paglilihi. Maliwanag na pinangyari ng Diyos na Jehova na mapunlaan ang isang ovum sa bahay-bata ni Maria, anupat isinakatuparan ito sa pamamagitan ng paglipat sa buhay ng kaniyang bugtong na Anak mula sa dako ng mga espiritu tungo sa lupa.​—Galacia 4:4.

Maaari bang maging sakdal at walang kasalanan ang pisikal na organismo ng isang batang ipinaglihi sa ganitong paraan ng isang di-sakdal na babae? Paano kumikilos ang mga batas ng pagmamana kapag nagsama ang kasakdalan at di-kasakdalan? Tandaan na ginamit ang banal na espiritu sa paglipat ng sakdal na puwersa ng buhay ng Anak ng Diyos at pinangyari nito ang paglilihi. Pinawalang-bisa nito ang anumang di-kasakdalan sa ovum ni Maria, anupat gumawa ng isang henetikong disenyo na sakdal mula pa sa pasimula.

Anuman ang nangyari, makatitiyak tayo na sa panahong iyon, ginarantiyahan ng pagkilos ng banal na espiritu ng Diyos ang tagumpay ng layunin ng Diyos. Ipinaliwanag ni anghel Gabriel kay Maria: “Ang banal na espiritu ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. Iyan din ang dahilan kung bakit ang isisilang ay tatawaging banal, Anak ng Diyos.” (Lucas 1:35) Oo, waring bumuo ang banal na espiritu ng Diyos ng isang nagsasanggalang na pader upang walang anumang di-kasakdalan o nakapipinsalang puwersa ang makarungis sa nabubuong binhi magmula sa paglilihi patuloy.

Maliwanag na utang ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao sa kaniyang makalangit na Ama, hindi sa kaninumang tao. ‘Naghanda si Jehova ng katawan’ para sa kaniyang Anak, at si Jesus​—mula sa paglilihi patuloy​—ay tunay na “walang dungis, hiwalay sa mga makasalanan.”​—Hebreo 7:26; 10:5.

[Larawan sa pahina 19]

“Ikaw ay maglilihi sa iyong bahay-bata at magsisilang ng isang anak na lalaki”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share