-
Mga Manggagawa sa UbasanAng Bantayan—1989 | Agosto 15
-
-
Ang punò ng sambahayan, o may-ari ng ubasan, ay ang Diyos na Jehova, at ang ubasan ay ang bansang Israel. Ang mga manggagawa sa ubasan ay yaong mga taong nasa ilalim ng tipang Kautusan; sila ay yaong espesipikong mga Judio na nabubuhay noong kaarawan ng mga apostol. Tanging ang maghapunang mga manggagawa ang tinanggap sa isang kasunduan ng pag-upa. Ang upa ay isang denaryo para sa maghapong trabaho. Yamang “ang ikatlong oras” ay ika-9 n.u., yaong mga tinawag noong ika-3, ika-6, ika-9, at ika-11 oras ay nagtrabaho, ayon sa pagkakasunud-sunod, ng 9, 6, 3, at 1 oras lamang.
Ang 12-oras, o buong-araw, na mga manggagawa ay kumakatawan sa mga lider na Judio na okupadong patuluyan sa relihiyosong paglilingkod. Sila’y di-tulad ng mga alagad ni Jesus, na, sa kalakhang bahagi ng kanilang buhay, ay mga mangingisda ang hanapbuhay o iba pang pinagkakakitaang gawain. Noon lamang taglagas ng 29 C.E. sinugo ng “punò ng sambahayan” si Jesu-Kristo upang tipunin ang mga ito para maging kaniyang mga alagad. Sa gayo’y sila ang ‘nangahuli,’ o ang ika-11-oras na mga manggagawa sa ubasan.
-
-
Mga Manggagawa sa UbasanAng Bantayan—1989 | Agosto 15
-
-
Ang pagtanggap sa denaryo ay naganap, hindi nang mamatay si Jesus, kundi noong Pentecostes 33 C.E., nang si Kristo, ang “katiwala,” ay magbuhos ng banal na espiritu sa kaniyang mga alagad. Ang mga alagad na ito ni Jesus ay katulad ng “mga huli,” o ng mga manggagawa sa ika-11-oras.
-
-
Mga Manggagawa sa UbasanAng Bantayan—1989 | Agosto 15
-
-
Ang katuparan bang iyan noong unang siglo ang tanging katuparan ng ilustrasyon ni Jesus? Hindi, ang klero ng Sangkakristiyanuhan sa ika-20 siglong ito, dahilan sa kanilang mga posisyon at mga pananagutan, ang mga ‘nauna’ na kinuha para magtrabaho sa makasagisag na ubasan ng Diyos. Kanilang itinuturing na ang nag-alay na mga mangangaral na kaugnay ng Watch Tower Bible and Tract Society ang siyang “mga huli” na binigyan ng mahalagang atas sa paglilingkuran sa Diyos. Subalit, ang totoo, ang mismong mga ito na hinahamak-hamak ng klero ang nagsitanggap ng denaryo—ang karangalan sa paglilingkod bilang pinahirang mga embahador ng makalangit na Kaharian ng Diyos. Mateo 19:30–20:16.
-