Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dinadalisay ng Hari sa Espirituwal ang mga Tagasunod Niya
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • 1-3. Ano ang ginawa ni Jesus nang makita niyang winawalang-dangal ang templo?

      MALAKI ang paggalang ni Jesus sa templo sa Jerusalem dahil alam niya kung saan ito kumakatawan. Matagal na itong sentro ng tunay na pagsamba sa lupa. Pero ang pagsambang iyon​—ang pagsamba sa banal na Diyos na si Jehova—​ay dapat na malinis at dalisay. Kaya isipin na lang ang nadama niya nang pumunta siya sa templo noong Nisan 10, 33 C.E., at makitang winawalang-dangal ito. Ano ba ang nangyari?​—Basahin ang Mateo 21:12, 13.

      2 Sa Looban ng mga Gentil, pinagsasamantalahan ng mga sakim na mangangalakal at tagapagpalit ng salapi ang mga mananambang pumupunta roon para maghandog kay Jehova.a “Pinalayas [ni Jesus] ang lahat niyaong mga nagtitinda at bumibili sa templo, at itinaob ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng salapi.” (Ihambing ang Nehemias 13:7-9.) Tinuligsa niya ang mga taong iyon dahil ginawa nilang “yungib ng mga magnanakaw” ang bahay ng kaniyang Ama. Sa gayong paraan, ipinakita ni Jesus ang paggalang niya sa templo at sa kinakatawanan nito. Ang pagsamba sa kaniyang Ama ay dapat mapanatiling malinis!

  • Dinadalisay ng Hari sa Espirituwal ang mga Tagasunod Niya
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • a Pinapapalitan ng mga dumarayong Judio ang barya nila para sa uri ng salaping tinatanggap na pambayad sa taunang buwis sa templo. Naniningil naman ang mga tagapagpalit ng salapi para sa serbisyo nila. Baka kailangan din ng mga Judio na bumili ng hayop para ihain. Tinawag ni Jesus na “magnanakaw” ang mga mangangalakal dahil malamang na sobra-sobra ang singil nila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share