Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sabihin Mo sa Amin, Kailan Mangyayari ang mga Bagay na Ito?”
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
    • 16. Sa ano pang mga teksto binabanggit ang tungkol sa pagdating ni Jesus?

      16 Tungkol sa tapat at maingat na alipin, sinabi ni Jesus: “Maligaya ang aliping iyon kung sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masumpungan siyang gayon ang ginagawa.” Sa talinghaga tungkol sa mga dalaga, sinabi ni Jesus: “Samantalang sila ay pumaparoon upang bumili, ang kasintahang lalaki ay dumating.” Sa talinghaga tungkol sa mga talento, inilahad ni Jesus: “Pagkatapos ng mahabang panahon ang panginoon ng mga aliping iyon ay dumating.” Sa talinghaga ring iyon, sinabi ng panginoon: “Sa pagdating ko ay tatanggapin ko ang sa akin.” (Mat. 24:46; 25:10, 19, 27) Sa anong panahon tumutukoy ang apat na pagbanggit na ito ni Jesus tungkol sa kaniyang pagdating?

      17. Ano ang sinasabi natin noon tungkol sa pagdating na binanggit sa Mateo 24:46?

      17 Sinasabi noon sa ating mga publikasyon na ang huling apat na nabanggit ay tumutukoy sa pagdating ni Jesus noong 1918. Bilang halimbawa, isaalang-alang natin ang sinabi ni Jesus tungkol sa “tapat at maingat na alipin.” (Basahin ang Mateo 24:45-47.) Naunawaan natin na ang “pagdating” na binanggit sa talata 46 ay noong panahong dumating si Jesus para siyasatin ang espirituwal na kalagayan ng mga pinahiran noong 1918 at na ang pag-aatas sa alipin para pangasiwaan ang lahat ng pag-aari ng Panginoon ay naganap noong 1919. (Mal. 3:1) Gayunman, ipinakikita ng higit pang pagsusuri na may kailangang baguhin sa ating pagkaunawa tungkol sa kung kailan magaganap ang ilang aspekto ng hula ni Jesus. Bakit?

      18. Batay sa pagsusuri sa kabuuan ng hula ni Jesus, ano ang makatuwirang isipin tungkol sa kaniyang pagdating?

      18 Sa mga talata bago ang Mateo 24:46, ang mga anyo ng salitang ‘dumating’ ay laging tumutukoy sa pagdating ni Jesus para ipahayag at ilapat ang hatol sa panahon ng malaking kapighatian. (Mat. 24:30, 42, 44) Bukod diyan, gaya ng tinalakay natin sa parapo 12, ang ‘pagdating’ ni Jesus na binabanggit sa Mateo 25:31 ay tumutukoy sa panahon ding iyon ng paghatol sa hinaharap. Kaya makatuwirang isipin na ang pagdating ni Jesus para atasan ang tapat na alipin sa lahat ng kaniyang pag-aari, na binanggit sa Mateo 24:46, 47, ay tumutukoy rin sa pagdating niya sa hinaharap, sa malaking kapighatian. Oo, ipinakikita ng pagsusuri sa kabuuan ng hula ni Jesus na ang walong pagbanggit na ito sa kaniyang pagdating ay tumutukoy sa paghatol sa hinaharap, sa panahon ng malaking kapighatian.

  • “Sabihin Mo sa Amin, Kailan Mangyayari ang mga Bagay na Ito?”
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share