Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Natin Dapat Pakitunguhan ang Iba?
    Ang Bantayan—2008 | Mayo 15
    • 12. (a) Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa espirituwal na liwanag? (b) Paano natin mapasisikat ang ating liwanag?

      12 Masasabing pinakikitunguhan natin ang mga tao sa pinakamabuting paraan kung tinutulungan natin silang makatanggap ng espirituwal na liwanag mula sa Diyos. (Awit 43:3) Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na sila ang “liwanag ng sanlibutan” at hinimok silang pasikatin ang kanilang liwanag upang makita ng mga tao ang kanilang “maiinam na gawa,” o mabubuting bagay na ginagawa nila sa iba. Magbubunga ito ng pagsisiwalat ng katotohanan “sa harap ng mga tao,” o sa kapakinabangan ng sangkatauhan. (Basahin ang Mateo 5:14-16.) Sa ngayon, pinasisikat natin ang ating liwanag sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa ating kapuwa at pakikibahagi sa pangangaral ng mabuting balita “sa buong sanlibutan,” samakatuwid nga, “sa lahat ng mga bansa.” (Mat. 26:13; Mar. 13:10) Isa nga itong napakalaking karangalan!

  • Paano Natin Dapat Pakitunguhan ang Iba?
    Ang Bantayan—2008 | Mayo 15
    • 15. Paano nakaaapekto sa mga tao ang ating “maiinam na gawa”?

      15 Pagkabanggit niya sa lamparang nagliliwanag, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Sa gayunding paraan ay pasikatin ninyo ang inyong liwanag sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong maiinam na gawa at magbigay ng kaluwalhatian sa inyong Ama na nasa langit.” Dahil sa ating “maiinam na gawa,” ang ilan ay ‘nagbibigay ng kaluwalhatian’ sa Diyos sa pamamagitan ng pagiging mga lingkod niya. Isa nga itong malaking pampasigla sa atin na patuloy na ‘sumikat bilang mga tagapagbigay-liwanag sa sanlibutan’!​—Fil. 2:15.

      16. Ano ang dapat nating gawin bilang “liwanag ng sanlibutan”?

      16 Bilang “liwanag ng sanlibutan,” dapat tayong maging abala sa pangangaral ng Kaharian at paggawa ng alagad. Pero may iba pa tayong dapat gawin. “Patuloy kayong lumakad bilang mga anak ng liwanag,” ang isinulat ni apostol Pablo, “sapagkat ang bunga ng liwanag ay binubuo ng bawat uri ng kabutihan at katuwiran at katotohanan.” (Efe. 5:8, 9) Dapat tayong maging nagliliwanag na mga halimbawa ng makadiyos na paggawi. Oo, dapat nating sundin ang payo ni apostol Pedro: “Panatilihing mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang, sa bagay na sinasalita nila laban sa inyo na gaya ng mga manggagawa ng kasamaan, luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat bilang resulta ng inyong maiinam na gawa na dito sila ay mga saksi.” (1 Ped. 2:12) Pero ano ang dapat gawin kapag nagkalamat ang pagsasamahan ng magkapananampalataya?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share