-
Sino ang “Tatlong Pantas na Lalaki”? Sinundan Ba Nila ang “Bituin” ng Betlehem?Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
-
-
Sino ang “Tatlong Pantas na Lalaki”? Sinundan Ba Nila ang “Bituin” ng Betlehem?
Ang sagot ng Bibliya
Di-gaya ng kaugalian sa Pasko, hindi ginamit ng Bibliya ang mga terminong “tatlong pantas na lalaki” o “tatlong hari” para ilarawan ang mga manlalakbay na bumisita kay Jesus matapos siyang maipanganak. (Mateo 2:1) Sa halip, ginamit ni Mateo, isang manunulat ng Ebanghelyo, ang Griegong salita na ma’goi para ilarawan sila. Ang salitang ito ay tumutukoy sa mga dalubhasa sa astrolohiya at okultismo.a Tinawag naman sila ng ilang salin ng Bibliya na “mga astrologo” o “magi.”b
-
-
Sino ang “Tatlong Pantas na Lalaki”? Sinundan Ba Nila ang “Bituin” ng Betlehem?Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
-
-
Ilan ang “Pantas na lalaki”?
Hindi mababasa sa Bibliya kung ilan sila, at iba-iba rin ang paniniwala ng mga tao. Ayon sa Encyclopedia Britannica: “Sa tradisyon sa Silangan, 12 ang mago. Pero sa tradisyon sa Kanluran, tatlo sila, malamang na batay ito sa tatlong regalo na ‘ginto, olibano, at mira’ (Mateo 2:11) na ibinigay sa bata.”
Ang “mga Pantas na lalaki” ba ay mga hari?
Madalas na ganiyan ang ipinalalabas ng mga kaugalian sa Pasko, pero walang mababasa sa Bibliya na mga hari sila. Sinabi ng Encyclopedia Britannica na sa paglipas ng ilang daang taon, idinagdag na lang ito “para pagandahin ang kuwento.”
Ano ang pangalan ng “mga Pantas na lalaki”?
Hindi sinabi ng Bibliya ang mga pangalan nila. Ayon sa The International Standard Bible Encyclopedia, “ang pagbibigay ng pangalan sa kanila (gaya ng Gaspar, Melchor, at Baltazar) ay batay sa mga alamat.”
-
-
Sino ang “Tatlong Pantas na Lalaki”? Sinundan Ba Nila ang “Bituin” ng Betlehem?Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
-
-
a Sinabi ng Griegong istoryador na si Herodotus, na nabuhay noong ikalimang siglo B.C.E., na ang ma’goi noong panahon niya ay kabilang sa isang angkan na mula sa Media (Persia). Dalubhasa sila sa astrolohiya at pagpapakahulugan sa mga panaginip.
b Tingnan ang New American Standard Bible, The New American Bible, The New English Bible, at ang New International Version Study Bible. Sa Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, tinawag sila na “mga Pantas na lalaki,” pero hindi binanggit na tatlo sila.
-