Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Katuwiran Hindi sa Pamamagitan ng mga Sali’t Saling Sabi
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 12. (a) Anong pagbabago buhat sa kaniyang karaniwang paraan ng pagpapasok ng mga reperensiya buhat sa Kasulatang Hebreo ang ginawa ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok, at bakit? (b) Ano ang natutuhan natin buhat sa ikaanim na pagkagamit ng salitang “Sinabi”?

      12 Nang una pa rito’y sumipi si Jesus sa Kasulatang Hebreo, sinabi niya: “Nasusulat.” (Mateo 4:4, 7, 10) Ngunit anim na ulit sa Sermon sa Bundok, siya’y nagpasok ng mga nahahawig na mga reperensiya buhat sa Kasulatang Hebreo na pinangungunahan ng pambungad na salitang: “Sinabi.” (Mateo 5:21, 27, 31, 33, 38, 43) Bakit? Sapagkat kaniyang tinutukoy ang Kasulatan ayon sa interpretasyon sa liwanag ng mga sali’t saling sabi ng mga Fariseo na salungat sa mga utos ng Diyos. (Deuteronomio 4:2; Mateo 15:3) Ito’y makikita sa ikaanim at huling reperensiya na binanggit ni Jesus sa seryeng ito: “Narinig ninyo na sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa at kapopootan mo ang iyong kaaway.’ ” Ngunit walang kautusang Mosaiko na nagsabi, “Kapootan mo ang iyong kaaway.” Ang mga eskriba at mga Fariseo ang nagsabi nito. Iyan ang kanilang interpretasyon ng Kautusan na ibigin mo ang iyong kapuwa​—ang iyong kapuwa Judio, wala nang iba.

  • Katuwiran Hindi sa Pamamagitan ng mga Sali’t Saling Sabi
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 18. (a) Papaanong binago ng mga Judio ang kautusan tungkol sa pag-ibig sa iyong kapuwa, ngunit papaano sinalungat ito ni Jesus? (b) Ano ang isinagot ni Jesus sa isang tagapagtanggol ng kautusan na ibig lagyan ng hangganan ang pagkakapit ng “kapuwa”?

      18 Sa ikaanim at katapusang halimbawa, malinaw na ipinakita ni Jesus kung papaanong ang Kautusang Mosaiko ay pinapanghina ng sali’t saling sabi ng mga rabbi: “Narinig ninyong sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa at kapopootan mo ang iyong kaaway.’ Datapuwat, sinasabi ko sa inyo: Patuloy na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig.” (Mateo 5:43, 44) Ang nasusulat na Kautusang Mosaiko ay hindi naglalagay ng hangganan sa pag-ibig: “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (Levitico 19:18) Ang mga Fariseo nga ang naglagay ng hadlang sa utos na ito, at upang maiwasan nila ang gayon ang salitang “kapuwa” ay doon lamang nila ikinapit sa mga sumusunod sa mga sali’t saling sabi. Kaya naman nang bandang huli na ipaalaala ni Jesus sa isang manananggol ang utos na ‘ibigin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,’ ang taong iyon ay nagtangkang umiwas sa pamamagitan ng pagtatanong: “Sino bang talaga ang aking kapuwa?” Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng paglalahad ng halimbawa ng mabuting Samaritano​—ang sarili mo’y gawin mong kapuwa ng isa na nangangailangan sa iyo.​—Lucas 10:25-37.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share