Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Joram”
  • Joram

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Joram
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Jehoram
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hadoram
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Toi, Tou
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Mapupuksa ang Buong Sambahayan ni Ahab”—2Ha 9:8
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Joram”

JORAM

[pinaikling anyo ng Jehoram, nangangahulugang “Si Jehova ay Mataas (Dinakila)”].

1. Anak ni Haring Toi ng Hamat. Si Joram ay isinugo taglay ang mamahaling mga kaloob na yari sa ginto, pilak, at tanso, lakip na ang pagbati ng kaniyang ama, kay Haring David nang matalo nito si Hadadezer na hari ng Zoba. Tinanggap at pinabanal naman ni David ang mga kaloob para kay Jehova. (2Sa 8:5, 9-11) Sa isang katulad na ulat, ang pangalan ni Joram ay binabaybay na Hadoram.​—1Cr 18:9-11.

2. Isang inapo ng Levitang si Eliezer, anak ni Moises; lumilitaw na nabuhay siya noong si David ang hari.​—1Cr 26:24, 25; Exo 18:2-4.

3. Hari ng Israel sa loob ng 12 taon; anak ni Ahab. Karaniwan nang kilala siya sa mas mahabang anyo ng kaniyang pangalan, Jehoram. (2Ha 3:1) Sa tatlong kabanata lamang natin masusumpungan ang maikling anyo nito sa tekstong Masoretiko.​—2Ha 8:16, tlb sa Rbi8, 17-29; 9:14, tlb sa Rbi8, 15-29; 2Cr 22:5, tlb sa Rbi8, 6, 7; tingnan ang JEHORAM Blg. 2.

4. Hari ng Juda sa loob ng walong taon; anak ni Jehosapat. Sa ilang pagkakataon ay makikita sa tekstong Masoretiko ang kaniyang pangalan sa maikling anyo nito. (2Ha 8:21, 23, 24; 11:2; 1Cr 3:11, tlb sa Rbi8) Masusumpungan din ang pinaikling anyo sa Westcott and Hort Greek Text, ngunit ang ilang salin ay nagbibigay ng pantulong sa pag-unawa sa pamamagitan ng paggamit ng buong pangalan.​—Mat 1:8, NW, Sawyer, TC, We; tingnan ang JEHORAM Blg. 3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share