-
Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?Gumising!—2012 | Pebrero
-
-
Sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito; at patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paanong pinatawad din namin ang mga may utang sa amin. At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami mula sa isa na balakyot.’”—Mateo 6:9-13.
-
-
Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?Gumising!—2012 | Pebrero
-
-
“Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito.” Matapos bigyang-priyoridad ang pangalan at Kaharian ng Diyos, ibinaling naman ni Jesus ang pansin sa ating mga pangangailangan. Ipinahihiwatig ng sinabi niya na dapat nating iwasang maghangad ng higit sa kailangan natin “sa araw na ito.” Sa halip, dapat nating sundin ang payo sa Kawikaan 30:8: “Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man. Ipaubos mo sa akin ang pagkaing itinakda para sa akin.”
-