Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maging Tagatupad ng Salita, Huwag Tagapakinig Lamang
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 3. Anong tagubilin tungkol sa paghatol ang susunod na ibinigay ni Jesus sa Sermon sa Bundok?

      3 Habang nagpapatuloy si Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok, patuloy na lumilitaw ang higit pang mga tagubilin na kailangang pagsikapan ng mga Kristiyano na sundin. Narito ang isa na waring simple, ngunit hinahatulan nito ang isa sa pinakamahirap na mga kahinaang dapat iwaksi: “Huwag kayong humatol upang huwag kayong hatulan; sapagkat sa hatol na inyong ihahatol, doon kayo hahatulan; at sa panukat na inyong isusukat, doon kayo susukatin. Bakit mo nga tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O papaanong masasabi mo sa iyong kapatid, ‘Bayaan mong alisin ko ang puwing na nasa mata mo’; gayong hayan! may tahilan ka sa iyong sariling mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata, at saka mo lamang makikitang malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.”​—Mateo 7:1-5.

  • Maging Tagatupad ng Salita, Huwag Tagapakinig Lamang
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 5. Bakit lalong madali na makita ang mga kahinaan sa iba kaysa sa ating sariling kahinaan?

      5 Noong unang siglo C.E., dahilan sa mga sali’t saling sabi, ang mga Fariseo sa pangkalahatan ay humahatol sa iba nang may kabagsikan. Sinuman sa mga tagapakinig ni Jesus na may ugaling gawin iyan ay kailangang huminto sa ganoong ugali. Mas madaling makita ang puwing sa mata ng iba kaysa tahilan sa ating sarili​—at lalo man ding nagbibigay-kompiyansa sa maka-akong pagpapahalaga sa sarili! Gaya ng sabi ng isang lalaki, “Mahilig akong mamintas sa iba sapagkat napakainam ang nararamdaman ko!” Ang ugaling mamintas sa iba ay maaaring magpadama sa atin na tayo’y magaling at waring natatakpan ang ating sariling kahinaan na ibig nating ikubli. Ngunit kung kinakailangang gumawa ng pagtutuwid, ito’y dapat gawin na may espiritu ng kahinahunan. Ang isang gumagawa ng pagtutuwid ay dapat na laging palaisip ng kaniyang sariling mga kahinaan.​—Galacia 6:1.

  • Maging Tagatupad ng Salita, Huwag Tagapakinig Lamang
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 6. Sa ano dapat isalig ang ating mga paghatol kung kailangan, at anong tulong ang dapat nating hingin upang tayo’y huwag maging labis na mapintasin?

      6 Hindi naparito si Jesus upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. Ano mang paghatol na kaniyang ginawa ay hindi kaniya kundi nakasalig sa mga salita ng Diyos na ibinigay sa kaniya upang salitain. (Juan 12:47-50) Ano mang mga paghatol na ginagawa natin ay dapat ding kasuwato ng Salita ni Jehova. Dapat nating sugpuin ang hilig ng tao na humatol sa iba. Sa paggawa nito, tayo’y dapat patuloy na manalangin na tulungan tayo ni Jehova: “Patuloy na humingi, at kayo’y bibigyan; patuloy na humanap, at kayo’y makasusumpong; patuloy na tumuktok, at sa inyo’y bubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang bawat humahanap ay nakasusumpong at ang bawat tumutuktok ay binubuksan.” (Mateo 7:7, 8) Maging si Jesus man ay nagsabi: “Hindi ako makagagawa ng anuman kung sa ganang aking sarili; humahatol ako ayon sa aking narinig; at ang paghatol ko’y matuwid, sapagkat pinaghahanap ko, hindi ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.”​—Juan 5:30.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share