“Ang Maluwang at Madaling Daan”
“Kung sana ang mga tao ay tutugon sa pangangailangan, kung sana’y hindi sila nadadaig ng kanilang kawalang-katatagan at kawalang-malasakit, kung sana’y mapagtatagumpayan nila ang kanilang kasakiman, kung sila sana ay matatag sa moral, kung sana’y hindi sila mapag-imbot at may kinikilingan, kung sana’y hindi makitid ang kanilang isip at mapanikis at mangmang, kung sila sana ay bukas-palad, kung nalalaman lamang nila kung ano ang nakataya, kung sana’y hindi sila mapagpaimbabaw, kung kanila sanang yuyurakan ang maluwang at madaling daan.”—Charles Malik, dating presidente ng UN General Assembly.
“Kung nalalaman lamang nila kung ano ang nakataya,” sabi ni Malik. Mahigit nang 19 na dantaon ang nakalipas, si Kristo Jesus ay bumanggit tungkol sa isang ‘maluwang at malapad na daan’ at tungkol sa ‘makipot at makitid na daan,’ at sinabi niya kung ano ang nakataya: “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan; sapagkat maluwang at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang nagsisipasok doon; samantalang makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakasumpong niyaon.”—Mateo 7:13, 14.
Ang maluwang at malapad na daan ay isang wakas na daan; ang makipot at makitid na daan ay lumalawak at walang katapusan.