Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magdudulot ng Kasiyahan ang Iyong Pagpapagal
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • 6, 7. Paano ipinakita ni Jesus na isa siyang masipag na manggagawa?

      6 Sa simula pa lamang, si Jesus ay may mainam nang reputasyon sa pagiging isang masipag na manggagawa. Bago naging tao, naglingkod siya bilang “dalubhasang manggagawa” ng Diyos sa paglalang ng lahat ng bagay “sa langit at sa ibabaw ng lupa.” (Kawikaan 8:22-31; Colosas 1:15-17) Kahit noong naririto na si Jesus sa lupa, isa pa rin siyang masipag na manggagawa. Bata pa’y marunong na siya sa konstruksiyon, anupat nakilala bilang “ang karpintero.”a (Marcos 6:3) Mabigat na trabaho ito at nangangailangan ng iba’t ibang kasanayan​—lalo na noong panahong wala pang mga lagarian, tindahan ng materyales, at kagamitang de-kuryente. Naguguniguni mo ba si Jesus habang nangunguha ng mga kahoy na gagamitin niya​—marahil ay pumuputol pa nga ng mga punungkahoy at hinahakot ito hanggang sa kaniyang pinagtatrabahuhan? Nailalarawan mo ba siya sa iyong isip habang nagtatayo ng mga bahay​—naghahanda at nagkakabit ng mga biga ng bubong, gumagawa ng mga pinto, at maging ng mga muwebles? Tiyak na nadama mismo ni Jesus ang kasiyahang dulot ng masikap at mahusay na paggawa.

  • Magdudulot ng Kasiyahan ang Iyong Pagpapagal
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • a Ang salitang Griego na isinaling “karpintero” ay sinasabing “isang pangkalahatang termino para sa gumagawa ng bahay o muwebles o ng iba pang bagay na yari sa kahoy.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share