-
Pinagaling ni Jesus ang Isang Binatilyong Sinasaniban ng DemonyoJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Pagbaba nina Jesus, Pedro, Santiago, at Juan sa bundok, nadatnan nila ang nagkakagulong mga tao. Nakikipagtalo ang mga eskriba sa mga alagad. Hindi inaasahan ng mga tao na makikita nila si Jesus, kaya sinalubong nila siya at binati. “Ano ang pinagtatalunan ninyo?” ang tanong niya.—Marcos 9:16.
-
-
Pinagaling ni Jesus ang Isang Binatilyong Sinasaniban ng DemonyoJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Lumilitaw na tinutuya ng mga eskriba ang mga alagad dahil hindi nila mapagaling ang binatilyo. Kaya imbes na sagutin ang ama ng binatilyo, bumaling si Jesus sa mga tao at sinabi: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan, hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan?” Tiyak na ang mapuwersang pananalitang ito ay para sa mga eskriba, na nanggugulo sa mga alagad ni Jesus habang wala siya. Bumaling siya sa problemadong ama at sinabi: “Dalhin ninyo siya rito sa akin.”—Mateo 17:17.
-