Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Uupo ang Bawat Isa sa Ilalim ng Kaniyang Puno ng Igos
    Ang Bantayan—2003 | Mayo 15
    • Minsan pang ginamit ni Jesus ang puno ng igos upang ilarawan naman ang masamang espirituwal na kalagayan ng bansa. Habang naglalakbay mula Betania patungong Jerusalem apat na araw bago siya mamatay, nakakita siya ng isang puno ng igos na sagana sa dahon ngunit wala namang bunga. Yamang lumilitaw ang mga unang igos kasabay ng mga dahon​—at kung minsan ay nauuna pa nga sa mga dahon​—ang kawalan ng bunga ng puno ay nagpapakitang ito’y walang kabuluhan.​—Marcos 11:13, 14.b

      Gaya ng di-namumungang puno ng igos na mukhang malusog naman, ang bansang Judio ay may mapandayang panlabas na anyo. Subalit hindi naman ito nagluluwal ng makadiyos na bunga, at nang dakong huli ay itinakwil pa nga nito ang sariling Anak ni Jehova. Isinumpa ni Jesus ang baog na puno ng igos, at nang sumunod na araw, napansin ng mga alagad na ito’y nalanta na. Ang natuyong punong iyon ay angkop na tumutukoy sa nalalapit na pagtatakwil ng Diyos sa mga Judio bilang kaniyang piniling bayan.​—Marcos 11:20, 21.

  • Uupo ang Bawat Isa sa Ilalim ng Kaniyang Puno ng Igos
    Ang Bantayan—2003 | Mayo 15
    • b Naganap ang pangyayaring ito malapit sa nayon ng Betfage. Ang pangalan nito ay nangangahulugang “Bahay ng mga Unang Igos.” Maaaring nagpapahiwatig ito na kilala ang lugar na iyon sa saganang ani ng mga unang igos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share