Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maglingkod kay Jehova Nang Hindi Nagagambala
    Ang Bantayan—2015 | Oktubre 15
    • “[Si Maria ay] patuloy na nakikinig sa . . . salita [ni Jesus]. Si Marta . . . ay nagagambala sa pag-aasikaso sa maraming tungkulin.”—LUC. 10:39, 40.

  • Maglingkod kay Jehova Nang Hindi Nagagambala
    Ang Bantayan—2015 | Oktubre 15
    • 2 Inibig ni Jesus si Marta hindi lang dahil sa mapagpatuloy at masipag siya kundi dahil din sa espirituwalidad niya. Naniniwala siya sa lahat ng turo ni Jesus at nananampalatayang si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. (Juan 11:21-27) Pero tulad natin, hindi rin perpekto si Marta. Minsan, nang dumalaw si Jesus sa bahay nila, sinabihan niya si Jesus na ituwid ang isang bagay na para sa kaniya ay mali. “Panginoon,” ang sabi ni Marta, “hindi ka ba nababahala na pinababayaan akong mag-isa ng aking kapatid na mag-asikaso sa mga bagay-bagay? Kaya nga sabihin mo sa kaniya na tulungan ako.” (Basahin ang Lucas 10:38-42.) Ano ang matututuhan natin dito?

  • Maglingkod kay Jehova Nang Hindi Nagagambala
    Ang Bantayan—2015 | Oktubre 15
    • 4 Pero naging abala si Marta sa paghahanda ng mga pagkain at pag-aasikaso para maging kasiya-siya ang pagdalaw ni Jesus. Tarantang-taranta siya at naiinis kay Maria. Napansin ni Jesus na napakaraming ginagawa ni Marta, kaya may-kabaitan niyang sinabi: “Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag tungkol sa maraming bagay.” Iminungkahi niyang sapat na ang isang putahe. Pagkatapos, pinuri ni Jesus si Maria at ipinahiwatig na hindi ito nagpabaya: “Sa ganang kaniya, pinili ni Maria ang mabuting bahagi, at hindi ito kukunin sa kaniya.” Posibleng hindi na matandaan ni Maria ang kinain niya noong espesyal na okasyong iyon, pero hinding-hindi niya malilimutan ang papuri at mainam na espirituwal na pagkaing tinanggap niya dahil nagtuon siya ng pansin kay Jesus. Makalipas ang mahigit 60 taon, isinulat ni apostol Juan: “Iniibig nga ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae.” (Juan 11:5) Ipinakikita ng kinasihang pananalitang ito na pinakinggan ni Marta ang maibiging pagtutuwid ni Jesus at sinikap niyang paglingkuran nang tapat si Jehova sa buong buhay niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share