Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • 5. (a) Paano posibleng ang di-sakdal na mga tao ay sang-ayunan ng Diyos? (b) Sino ang “mga taong may mabuting kalooban”?

      5 Posible rin ba para sa di-sakdal na mga tao na katulad natin na kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos? Nakagagalak, ang sagot ay oo. Nang isilang si Jesus, ang mga anghel ay nagpahayag: “Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa gitna ng mga taong may kabutihang-loob [eu·do·kiʹas].” (Lucas 2:14) Sa literal na Griego, ang mga anghel ay umaawit tungkol sa isang darating na pagpapala sa “mga taong may mabuting kaisipan” o “mga taong may mabuting kaisipan” o “mga taong sinasang-ayunan ng Diyos.”a Si Propesor Hans Bietenhard ay sumulat tungkol sa paggamit na ito ng en an·throʹpois eu·do·kiʹas: “Ang parirala ay tumutukoy sa mga taong kinalulugdan ng Diyos . . . Samakatuwid, tayo ay hindi nakikitungo rito sa kabutihang-loob ng mga tao . . . Tayo’y nakikitungo sa soberano at mapagmahal na kalooban ng Diyos, na humihirang para sa ganang sarili ng isang bayan ukol sa kaligtasan.” Sa gayon, gaya ng malaon nang ipinaliliwanag ng mga Saksi ni Jehova, ipinakikita ng Lucas 2:14 na sa pamamagitan ng pag-aalay at bautismo ay posible para sa di-sakdal na mga tao na maging mga taong may kabutihang-loob, mga taong sinang-ayunan ng Diyos!b

  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • a Ihambing ang “mga tao-na-kaniyang-sinasang-ayunan,” New Testament, ni George Swann; “mga tao na kaniyang kinalulugdan,” The Revised Standard Version.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share