Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 89 p. 210-p. 211 par. 2
  • Nagtuturo sa Perea Habang Papunta sa Judea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagtuturo sa Perea Habang Papunta sa Judea
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Misyon ng Awa sa Judea
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Isang Misyon ng Awa sa Judea
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kung Bakit Hindi Nagmadali si Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • “Ang Kaniyang Oras ay Hindi Pa Dumarating”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 89 p. 210-p. 211 par. 2
Ibinabalita ng mensahero kay Jesus na may sakit si Lazaro

KABANATA 89

Nagtuturo sa Perea Habang Papunta sa Judea

LUCAS 17:1-10 JUAN 11:1-16

  • KASALANAN ANG PAGTISOD

  • MAGPATAWAD AT MANAMPALATAYA

Nanatili nang ilang araw si Jesus sa “kabila ng Jordan,” sa lugar na tinatawag na Perea. (Juan 10:40) Naglalakbay siya ngayon patimog papuntang Jerusalem.

Hindi nag-iisa si Jesus. Kasama niya sa paglalakbay ang mga alagad at ang maraming tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis at makasalanan. (Lucas 14:25; 15:1) Naroon din ang mga Pariseo at eskriba, na namumuna kay Jesus. Marami silang dapat pag-isipan pagkatapos marinig ang mga ilustrasyon ni Jesus—ang nawalang tupa, ang nawalang anak, at ang taong mayaman at si Lazaro.—Lucas 15:2; 16:14.

Marahil dahil sa kritisismo at pangungutya ng mga mananalansang kung kaya inulit ni Jesus sa mga alagad ang ilang punto na itinuro niya sa Galilea.

Halimbawa, sinabi ni Jesus: “Darating talaga ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagkatisod. Pero kaawa-awa ang taong nagiging dahilan para matisod ang iba! . . . Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili. Kung magkasala ang kapatid mo, sawayin mo siya, at kung magsisi siya, patawarin mo siya. Kahit pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses siyang lumapit at magsabi, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.” (Lucas 17:1-4) Marahil naalala rito ni Pedro ang tanong niya noon tungkol sa pagpapatawad nang hanggang pitong beses.—Mateo 18:21.

Masusunod kaya ng mga alagad ang payo ni Jesus? Nang sabihin nila kay Jesus na, “Palakasin mo ang pananampalataya namin,” tiniyak niya sa kanila: “Kung may pananampalataya kayo na kasinliit ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa punong ito ng itim na mulberi, ‘Mabunot ka at lumipat ka sa dagat!’ at susundin kayo nito.” (Lucas 17:5, 6) Oo, malaki ang magagawa kahit ng kaunting pananampalataya.

Itinuro naman ngayon ni Jesus ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanseng pananaw sa sarili. Sinabi niya sa mga apostol: “Ipagpalagay nang may alipin kayo na umuwi mula sa pag-aararo o pagpapastol sa bukid. Sasabihin ba ninyo sa alipin, ‘Halika, kumain ka’? Hindi. Sa halip, sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka. Ipaghanda mo ako ng hapunan at pagsilbihan hanggang sa makakain ako at makainom; pagkatapos, puwede ka nang kumain at uminom.’ Hindi kayo makadarama ng utang na loob sa alipin dahil ginawa lang niya ang mga atas niya, hindi ba? Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniatas sa inyo, sabihin ninyo: ‘Kami ay hamak na mga alipin lang. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”—Lucas 17:7-10.

Dapat maunawaan ng bawat lingkod ng Diyos na ang pagsamba sa Diyos ang dapat unahin. Dapat ding tandaan na isang pribilehiyo ang mapabilang sa bayan ng Diyos na sumasamba sa Kaniya.

Mayamaya, dumating ang mensaherong isinugo nina Maria at Marta, na mga kapatid ni Lazaro. Taga-Betania sila sa Judea. Sinabi ng mensahero: “Panginoon, may sakit ang mahal mong kaibigan.”—Juan 11:1-3.

Kahit na nalaman niyang malubha ang sakit ng kaibigan niyang si Lazaro, hindi nalugmok sa kalungkutan si Jesus. Sa halip, sinabi niya: “Ang sakit na ito ay hindi magwawakas sa kamatayan; ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos, para ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito.” Dalawang araw pa siyang nanatili sa kinaroroonan niya, at pagkatapos ay sinabi niya sa mga alagad: “Pumunta tayo ulit sa Judea.” Hindi sumang-ayon ang mga alagad: “Rabbi, hindi ba kamakailan lang, gusto kang batuhin ng mga taga-Judea? Bakit ka pupunta ulit doon?”—Juan 11:4, 7, 8.

Sumagot si Jesus: “Hindi ba may 12 oras na liwanag ng araw? Kung ang sinuman ay maglakad sa liwanag ng araw, hindi siya matatalisod dahil nakikita niya ang liwanag ng sangkatauhan. Pero kung ang sinuman ay maglakad sa gabi, matatalisod siya dahil wala sa kaniya ang liwanag.” (Juan 11:9, 10) Lumilitaw na ang ibig niyang sabihin ay hindi pa tapos ang panahong ibinigay ng Diyos para sa ministeryo niya. Kaya kailangang sulitin ni Jesus ang panahong natitira.

Sinabi pa ni Jesus: “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog, pero pupunta ako roon para gisingin siya.” Akala ng mga alagad, nagpapahinga lang si Lazaro at na gagaling din ito, kaya sinabi nila: “Panginoon, kung natutulog siya, bubuti ang pakiramdam niya.” Kaya tuwirang sinabi ni Jesus: “Patay na si Lazaro . . . Pero ngayon, puntahan natin siya.”—Juan 11:11-15.

Alam ni Tomas na maaaring mapatay si Jesus sa Judea, pero gusto niya itong suportahan kaya hinimok niya ang iba pang alagad: “Sumama tayo para mamatay tayong kasama niya.”—Juan 11:16.

  • Saang lugar nangangaral si Jesus?

  • Anong mga turo ang inulit ni Jesus, at paano niya inilarawan ang kaniyang punto tungkol sa kapakumbabaan?

  • Anong balita ang natanggap ni Jesus, at bakit sinabi ni Tomas na mamamatay silang kasama ni Jesus?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share