Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Agosto p. 3
  • Alalahanin ang Asawa ni Lot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alalahanin ang Asawa ni Lot
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Lumingon ang Asawa ni Lot
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Lot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maghanda Para sa Kaligtasan sa Isang Bagong Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Agosto p. 3
Lumingon sa Sodoma ang asawa ni Lot at naging haliging asin

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Alalahanin ang Asawa ni Lot

Bakit lumingon ang asawa ni Lot habang tumatakas siya mula sa Sodoma? Hindi sinasabi ng Bibliya. (Gen 19:17, 26) Batay sa konteksto ng babala ni Jesus, posibleng nanghinayang ang asawa ni Lot sa mga bagay na iiwan niya. (Luc 17:31, 32) Paano natin maiiwasang maiwala ang pagsang-ayon ng Diyos? Huwag nating gawing priyoridad sa buhay ang paghahangad ng materyal na mga bagay. (Mat 6:33) Itinuro ni Jesus na hindi tayo “maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” (Mat 6:24) Pero paano kung mapansin nating inaagaw na ng materyal na mga bagay ang panahon natin para sa espirituwal? Manalangin kay Jehova para magkaroon ng kaunawaan na makita ang mga kailangan nating baguhin, pati na ng lakas ng loob na magawa iyon.

REPASUHIN ANG VIDEO NA ALALAHANIN ANG ASAWA NI LOT, NA MAY TATLONG BAHAGI. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa trabaho ni Anna; si Gloria at si Uncle; magkasamang nananalangin sina Brian at Gloria

    Paano ko maipapakitang sinisikap kong ‘alalahanin ang asawa ni Lot’?

    Paano nakaapekto sa pag-iisip, pananalita, at pagkilos ni Gloria ang pressure na kumita nang mas malaki?

  • Paano naging babalang halimbawa sa atin ang asawa ni Lot?

  • Paano nakatulong sa pamilya ni Joe ang pagsunod sa mga simulain sa Bibliya?

  • Paano nakaapekto sa espirituwalidad ni Anna ang mga kasama niya sa trabaho?

  • Bakit kailangan natin ng lakas ng loob kapag pine-pressure tayong unahin ang pera sa buhay?

  • Paano muling ginawang priyoridad nina Brian at Gloria ang espirituwal na mga bagay?

  • Anong mga simulain sa Bibliya ang nakita mo sa video na ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share