IGOS-MULBERI, PUNO NG
[sa Gr., sy·ko·mo·reʹa; sa Ingles, fig-mulberry tree].
Dahil sa kagustuhan ng maliit na si Zaqueo na makitang mabuti si Kristo Jesus, siya ay “umakyat sa isang puno ng igos-mulberi.” (Luc 19:4) Ipinahihiwatig ng pangalang Griego ang isang puno ng igos (sa Gr., sy·keʹ) na ang mga dahon ay tulad niyaong sa mulberi (sa Gr., mo·reʹa). Ang dalawang punungkahoy na ito ay mula sa iisang pamilya, at waring ang igos-mulberi na binabanggit sa Lucas 19:4 ay yaon ding “sikomoro” (Ficus sycomorus) ng Hebreong Kasulatan.—1Ha 10:27; tingnan ang SIKOMORO.