Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 6
  • Hindi Natatakot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Natatakot
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Jesus
  • Ang Matututuhan Natin kay Jesus
  • Tularan si Jesus
  • Tularan si Jesus—Mangaral Nang May Katapangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Nangangaral Ka Ba Nang May Katapangan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • ‘Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Patuloy na Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 6

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

Nagulat ang mga tao dahil pinapababa ni Jesus si Zaqueo mula sa puno.

Luc. 19:​1-7

ARALIN 6

Hindi Natatakot

Prinsipyo: “Nag-ipon kami ng lakas ng loob sa tulong ng ating Diyos para masabi namin sa inyo ang mabuting balita.”​—1 Tes. 2:2.

Ang Ginawa ni Jesus

Nagulat ang mga tao dahil pinapababa ni Jesus si Zaqueo mula sa puno.

VIDEO: Nangaral si Jesus kay Zaqueo

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Lucas 19:1-7. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Bakit kaya posibleng iniiwasan ng mga tao si Zaqueo?

  2. Bakit ibinahagi pa rin ni Jesus sa kaniya ang mabuting balita?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Kailangan nating labanan ang takot para maipangaral ang Kaharian sa lahat ng tao.

Tularan si Jesus

3. Umasa kay Jehova. Nakatulong kay Jesus ang espiritu ng Diyos para makapangaral, at iyan din ang makakatulong sa iyo. (Mat. 10:​19, 20; Luc. 4:18) Kung natatakot kang mangaral sa isang tao, hilingin kay Jehova na bigyan ka ng katapangan.​—Gawa 4:29.

4. Huwag manghusga. Baka mag-alangan tayong kausapin ang isang tao dahil sa hitsura niya, kalagayan sa buhay, lifestyle, o paniniwala. Pero tandaan:

  1. Nakakabasa ng puso si Jehova at si Jesus; tayo hindi.

  2. Kayang tulungan ni Jehova ang sinumang tao.

5. Maging matapang pero magalang pa rin at maingat. (Mat. 10:16) Huwag makipagtalo. Kung ayaw makinig ng kausap mo sa mabuting balita o mukhang delikado ang sitwasyon, magalang na magpaalam.​—Kaw. 17:14.

TINGNAN DIN

Gawa 4:31; Efe. 6:​19, 20; 2 Tim. 1:7

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share