Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 60
  • Matitinding Tagtuyot—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matitinding Tagtuyot—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tagtuyot at hula sa Bibliya
  • Kung bakit lumalala ang mga tagtuyot
  • Ano ang pag-asang naghihintay sa atin?
  • 2022: Taon na Punong-puno ng Problema—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Climate Change at ang Kinabukasan Natin—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Hindi Normal na Pagtaas ng Temperatura sa Buong Mundo—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Mga Kakapusan sa Pagkain—Isang Katibayan ng Ano?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 60
Tuyong-tuyo at bitak-bitak na lupa na may nag-iisang damo.

Brais Seara/Moment via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Matitinding Tagtuyot—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

  • “Iniulat ng China na ngayong taon ang pinakamainit at ang pangatlo sa pinakatuyong tag-araw.”—The Guardian, Setyembre 7, 2022.

  • “Inaasahang magpapatuloy sa ikalimang taon ang tagtuyot sa Greater Horn of Africa.”—UN News, Agosto 26, 2022.

  • “Mahigit kalahati ng Europe ang posibleng tamaan ng tagtuyot, at ito na siguro ang pinakamatinding tagtuyot sa loob ng 500 taon.”—BBC News, Agosto 23, 2022.

Sinasabi ng mga eksperto na magpapatuloy ang gayong mga tagtuyot at posible pa itong lumala. May pag-asa bang naghihintay sa atin? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Tagtuyot at hula sa Bibliya

Inihula ng Bibliya ang mga mangyayari sa panahon natin ngayon:

  • “Magkakaroon ng . . . taggutom sa iba’t ibang lugar.”—Lucas 21:11.

Kapag may tagtuyot, kadalasan nang nagkakaroon ng taggutom. Ang ganitong mga taggutom, at ang epekto nitong pagdurusa at kamatayan ay katuparan ng mga hula sa Bibliya.—Apocalipsis 6:6, 8.

Kung bakit lumalala ang mga tagtuyot

Sinasabi ng Bibliya kung bakit lumalala ang mga tagtuyot:

  • “Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.”—Jeremias 10:23.

Ibig sabihin, hindi kaya ng mga tao na ‘ituwid ang kanilang hakbang,’ o pamahalaan ang sarili nila. Dahil sa mga maling desisyon nila, kadalasan nang nagkakaroon ng mga tagtuyot at kakulangan sa tubig.

  • Naniniwala ang maraming siyentipiko na tao ang dahilan ng global warming, kaya lumalala at dumarami ang tagtuyot sa buong mundo.

  • Dahil sa kasakiman, nagkakaroon ng kakulangan sa tubig. May ilang batas din na ipinapatupad nang hindi iniisip ang masasamang epektong gaya ng pagkakalbo ng kagubatan, polusyon, at maling paggamit ng mga likas na yaman.

Pero may pag-asang binabanggit ang Bibliya.

Ano ang pag-asang naghihintay sa atin?

Sinasabi sa Bibliya na sosolusyunan ng Diyos ang problema ng mundo sa tubig. Paano?

  1. 1. Ipapahamak ng Diyos “ang mga nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) Aalisin niya ang masasama at sakim na mga tao na nagiging dahilan ng kakulangan sa tubig.—2 Timoteo 3:1, 2.

  2. 2. “Ang lupang natuyo sa init ay magiging lawa na may mga halaman.” (Isaias 35:1, 6, 7) Aalisin ng Diyos ang lahat ng masamang epekto ng tagtuyot at gagawin niyang paraiso ang lupa na sagana sa tubig.

  3. 3. “Pinangangalagaan mo ang lupa; ginawa mo itong mabunga at napakasagana.” (Awit 65:9) Pagpapalain ng Diyos ang lupa ng saganang pagkain at malinis na tubig.

Katuparan ba ng hula sa Bibliya ang climate change? Basahin ang artikulong “Climate Change at ang Kinabukasan Natin—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?”

Anong pag-asa ang sinasabi ng Bibliya na mangyayari sa hinaharap? Basahin ang artikulong “Sino ang Magliligtas sa Lupa?”

Paano ka matutulungan ng Bibliya para makayanan ang mga epekto ng napakasamang lagay ng panahon? Basahin ang artikulong “Napakasamang Lagay ng Panahon—Paano Makakatulong ang Bibliya?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share