Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 11/22 p. 9-10
  • Salot—Isa Bang Tanda ng Wakas?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Salot—Isa Bang Tanda ng Wakas?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Salot at ang Wakas ng Sanlibutan
  • Ang Darating na Paraiso
  • Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?
    Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?
  • Pagka Dumating na ang Bagong Sanlibutan
    Gumising!—1993
  • Apat na Tanong Tungkol sa Wakas​—Nasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 11/22 p. 9-10

Salot​—Isa Bang Tanda ng Wakas?

IPINAHIHIWATIG ba ng mga salot sa ating panahon na malapit na ang wakas ng sanlibutan? Bago natin sagutin ang tanong na iyan, isaalang-alang natin kung ano ang kahulugan ng pananalitang “ang wakas ng sanlibutan.”

Maraming tao ang naniniwalang ang wakas ng sanlibutan ay nangangahulugan na pupuksain ng Diyos ang lupa at ang lahat ng buhay rito. Gayunman, sinasabi ng Salita ng Diyos na kaniyang “ginawa [ang lupa] upang tahanan.” (Isaias 45:18) Layunin niya na punuin ang planeta ng malulusog at maliligayang tao na masikap na sumusunod sa kaniyang matuwid na mga pamantayan. Kaya ang wakas ng sanlibutan ay hindi nangangahulugan ng wakas ng lupa at ng lahat ng naninirahan dito. Bagkus, ito’y nangangahulugan ng wakas ng kasalukuyang sistema at niyaong mga naroroon na tumatangging gawin ang kalooban ng Diyos.

Ipinakita ito ni apostol Pedro, na sumulat: “Ang sanlibutan [noong panahon ni Noe] ay dumanas ng pagkapuksa nang ito ay maapawan ng tubig.” Nang mapuksa ang sanlibutan noong panahon ni Noe, nalipol ang mga balakyot. Ang lupa ay nanatili at gayundin ang matuwid na si Noe at ang kaniyang pamilya. Gaya ng pagkatapos ay sinabi ni Pedro, ang Diyos ay muling kikilos sa hinaharap upang pangyarihin ang “pagkapuksa ng mga taong di-maka-Diyos.”​—2 Pedro 3:6, 7.

Walang-pagbabagong itinataguyod ng iba pang teksto sa Bibliya ang pangmalas na ito. Halimbawa, ang Kawikaan 2:21, 22 ay nagsasabi: “Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang matitira rito. Kung tungkol sa mga balakyot, sila’y lilipulin sa mismong lupa; at ang mga magdaraya, sila’y bubunutin dito.”​—Tingnan din ang Awit 37:9-11.

Mga Salot at ang Wakas ng Sanlibutan

Subalit kailan mangyayari ito? Iyan ang itinanong ng apat na mga alagad ni Jesus sa kaniya. Sila’y nagtanong: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay [o, gaya ng sinasabi ng ilang salin ng Bibliya, “ang katapusan ng sanlibutan”]?” Si Jesus ay sumagot: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain at mga lindol sa iba’t ibang dako.” (Mateo 24:3, 7) Sa katulad na ulat sa Lucas 21:10, 11, idinagdag pa ni Jesus: “Magkakaroon . . . sa iba’t ibang dako ng mga salot . . . , at magkakaroon ng nakatatakot na mga tanawin at mula sa langit ay mga dakilang tanda.”

Pansinin na hindi sinabi ni Jesus na ang mga salot lamang ang magpapakita na malapit na ang wakas. Bagkus, itinala rin niya ang malalaking digmaan, mga lindol, at mga kakapusan sa pagkain. Sa kaniyang detalyadong hula na masusumpungan sa Mateo 24 at 25, Marcos 13, at Lucas 21, inihula ni Jesus ang maraming iba pang bagay na mangyayari. Lahat ng mga ito ay kailangang mangyaring sama-sama bago kumilos ang Diyos upang wakasan ang kabalakyutan sa lupa. Malakas ang katibayan na tayo ay nabubuhay na ngayon sa panahong iyon.

Ang Darating na Paraiso

Hindi makikita ng hinaharap ang pagkalipol ng sangkatauhan, sa pamamagitan man ng salot o ng kamay ng Diyos. Ang Diyos na Jehova ay nangangako na babaguhin ang lupang ito tungo sa isang paraiso. (Lucas 23:43) Kabilang sa iba pang bagay, aalisin niya ang mga sakit na sumasalot sa sangkatauhan.

Ito’y tinitiyak sa atin kung isasaalang-alang natin ang ministeryo ni Jesu-Kristo, na may kasakdalang ipinabanaag ang mga katangian ng kaniyang Ama. Palibhasa’y binigyang-kapangyarihan ng kaniyang makalangit na Ama, pinagaling ni Jesus yaong mga pilay, baldado, bulag, o pipi. (Mateo 15:30, 31) Pinagaling din niya yaong mga pinahihirapan ng ketong. (Lucas 17:12-14) Pinagaling niya ang isang babaing inaagasan ng dugo, ang lalaking may tuyot na kamay, at ang lalaking may manas. (Marcos 3:3-5; 5:25-29; Lucas 14:2-4) Ibinalik niya sa kalusugan ang “epileptiko at mga taong paralisado.” (Mateo 4:24) Sa tatlong okasyon ay bumuhay pa nga siya ng patay!​—Lucas 7:11-15; 8:49-56; Juan 11:38-44.

Ang makahimalang mga pagpapagaling na ito ay nagpapatunay sa pangako ng Diyos na sa hinaharap na gagawin niya, “walang mamamayan ang magsasabi: ‘Ako’y maysakit.’” (Isaias 33:24) Hindi na kailanman muling sasalutin ang kalusugan at buhay ng tao. Anong laking pasasalamat natin na ang ating Maylalang ay kapuwa may kakayahan at kalooban na lubusang pawiin ang sakit at karamdaman, magpakailanman!​—Apocalipsis 21:3, 4.

[Mga larawan sa pahina 9]

Si Jesus ay binigyang-kapangyarihan ng Diyos na magpagaling ng maysakit

[Larawan sa pahina 10]

Sa darating na makalupang Paraiso, papawiin ni Jehova ang sakit at karamdaman

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share