Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Cesarea at ang mga Sinaunang Kristiyano
    Ang Bantayan—1989 | Marso 15
    • Nasa kuwarto ring ito ang dalawang maliliit na baryang tanso na lubhang interesante. Sa una (na nasa gawing kanan) ay mababasa ang ulat: “Taóng dos ng kalayaan ng Sion.” Sa ikalawa ay ang mga salitang: “Taóng kuwatro hanggang sa kalayaan ng Sion.” Ang petsang ibinibigay ng mga iskolar sa mga baryang ito ay 67 C.E. at 69 C.E. Ang “kalayaan” na tinutukoy ay ang yugto ng panahon nang sakop ng mga Judio ang Jerusalem, pagkatapos paurungin ni Cestius Gallus ang kaniyang umaatakeng mga hukbong Romano noong taóng 66 C.E.

      Ang pag-urong na iyon ang dahilan kung bakit nagawa ng marami na tumakas buhat sa Jerusalem. Ang mga taong sumampalataya kay Jesus ay nagsitakas, sapagkat tiyakang sinabi niya: “Kapag nakita ninyong nakukubkob ng nagkampong mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo’y talastasin ninyo na malapit na ang kaniyang pagkagiba. Kung gayo’y ang mga nasa Judea ay magsimulang tumakas tungo sa mga bundok, at ang mga nasa loob ng bayan ay lumabas, at ang mga nasa parang ay huwag pumasok sa bayan.” (Lucas 21:20, 21) Marahil, ang gumawa ng mga baryang ito ng “tagumpay” ay walang gaanong ideya ng pagkapuksang naghihintay sa kanila!

  • Ang Cesarea at ang mga Sinaunang Kristiyano
    Ang Bantayan—1989 | Marso 15
    • Sa kagandahang-loob ng Natural History Museum ng Los Angeles County

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share