Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagkanaririto?”
    Ang Bantayan—1994 | Pebrero 15
    • 16. Ang Lucas 21:24 ay nagdaragdag ng anong bahagi sa hula ni Jesus, at ano ang kahulugan nito?

      16 Kung ihahambing natin ang Mateo 24:15-28 at Marcos 13:14-23 sa Lucas 21:20-24, makikita natin ang pangalawang patotoo na hindi huminto ang katuparan ng hula ni Jesus sa pagkapuksa ng Jerusalem. Tandaan na si Lucas lamang ang bumanggit ng mga salot. Gayundin, siya lamang ang tumapos sa seksiyong ito sa mga salita ni Jesus: “Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa ang itinakdang panahon ng mga bansa [“panahon ng mga Gentil,” King James Version] ay matupad.”e (Lucas 21:24) Inalis ng mga taga-Babilonya ang huling hari ng mga Judio noong 607 B.C.E., at pagkatapos niyan, ang Jerusalem, na kumakatawan sa Kaharian ng Diyos, ay niyurakan. (2 Hari 25:1-26; 1 Cronica 29:23; Ezekiel 21:25-27) Sa Lucas 21:24, ipinakita ni Jesus na ang kalagayan ay magpapatuloy sa hinaharap hanggang sa sumapit ang panahon upang muling itatag ng Diyos ang isang Kaharian.

  • “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagkanaririto?”
    Ang Bantayan—1994 | Pebrero 15
    • e Marami ang nakakakita ng pagbabago sa pag-uulat ni Lucas pagkatapos ng Lucas 21:24. Ganito ang sabi ni Dr. Leon Morris: “Si Jesus ay nagpapatuloy na magsalita tungkol sa panahon ng mga Gentil. . . . Sa opinyon ng karamihan ng mga iskolar ang pansin ngayon ay bumabaling sa pagparito ng Anak ng tao.” Si Propesor R. Ginns ay sumulat: “Ang Pagparito ng Anak ng Tao​—(Mat 24:29-31; Mar 13:24-27). Ang pagbanggit sa ‘panahon ng mga Gentil’ ay nagsisilbing isang pambungad sa temang ito; ang saklaw ng pangmalas [ni Lucas] ay ipinaaabot ngayon sa kabila pa ng mga kaguhuan ng Jerusalem tungo sa hinaharap.”

      f Ganito ang isinulat ni Propesor Walter L. Liefeld: “Tunay na maaaring ipagpalagay na ang mga hula ni Jesus ay kinapapalooban ng dalawang yugto: (1) ang mga pangyayari noong A.D. 70 may kaugnayan sa templo at (2) yaong sa malayo pang hinaharap, na inilarawan sa higit pang makahulang mga salita.” Ganito ang sabi ng isang komentaryo na si J. R. Dummelow ang editor: “Marami sa pinakamalulubhang suliranin sa dakilang diskursong ito ay napaparam pagka natanto na ang tinutukoy rito ng ating Panginoon ay hindi iisang pangyayari kundi dalawa, at na ang nauuna ay tipo ng ikalawa. . . . Ang [Lucas] 21:24 lalo na, na tumutukoy sa ‘panahon ng mga Gentil,’ . . . ay naglalagay ng isang walang takdang haba ng panahon sa pagitan ng pagbagsak ng Jerusalem at ng katapusan ng sanlibutan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share