Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Abilinia”
  • Abilinia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Abilinia
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Lisanias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Herodes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tetrarka
    Glosari
  • Herodes Agripa I
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Abilinia”

ABILINIA

Isang Romanong distrito, o tetrarkiya, sa rehiyon ng kabundukan ng Anti-Lebanon sa H ng Bundok Hermon. Isinunod ito sa pangalan ng kabisera nito na Abila, isang lunsod na nasa isang magandang lokasyon sa pagitan ng mga bangin sa may pampang ng ilog ng Abana (makabagong Barada).

Sinasabi sa atin ng Lucas 3:1 na noong ika-15 taon ni Tiberio Cesar (28/29 C.E.), ang distritong ito ay pinamamahalaan ni Lisanias. Ang bagay na ito ay pinatototohanan ng isang inskripsiyong natagpuan sa Abila na isinulat noong panahon ng paghahari ni Tiberio may kaugnayan sa pag-aalay ng isang templo. Mababasa sa inskripsiyong ito ang pangalang “Lisanias na tetrarka.” Bago nito, ang Abilinia ay bahagi ng kaharian ni Herodes na Dakila, ngunit pagkamatay niya, noong mga taóng 1 B.C.E., isinama ito sa probinsiya ng Sirya. Itinala ni Josephus na ang tetrarkiya ni Lisanias ay isinama sa Palestina, noong 37 C.E., sa ilalim ng pamamahala ni Herodes Agripa I, at nang maglaon ay ipinagkaloob ito ni Claudio kay Herodes Agripa II, noong 53 C.E.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share