Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • Sa Lucas 4:18, ayon sa New World Translation, isang hula sa Isaias ang ikinapit ni Jesus sa kaniyang sarili, na ang sabi: “Ang espiritu ni Jehova ay sumasaakin.” (Isaias 61:1) Marami ang tumututol sa paggamit ng pangalang Jehova rito. Gayunman, isa lamang ito sa mahigit na 200 lugar na kung saan makikita ang pangalang iyan sa New World Translation ng Kasulatang Griegong Kristiyano, ang tinatawag na Bagong Tipan. Totoo, walang maagang umiiral pang mga manuskritong Griego ng “Bagong Tipan” ang may personal na pangalan ng Diyos. Subalit ang pangalan ay isinali sa New World Translation sa mabuting kadahilanan, hindi lamang dahil sa kapritso. At ganito rin ang sinunod ng iba. Sa wikang Aleman lamang, di-kukulangin sa 11 bersiyon ang gumagamit ng “Jehova” (o ang transliterasyon ng Hebreo, “Yahweh”) sa teksto ng “Bagong Tipan,” samantala idinagdag ng apat na tagapagsalin ang pangalan sa panaklong pagkatapos ng “Panginoon.”c Mahigit na 70 saling Aleman ang gumagamit nito sa mga talababa o mga komentaryo.

  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • c Sina Johann Babor, Karl F. Bahrdt, Petrus Dausch, Wilhelm M. L. De Wette, Georg F. Griesinger, Heinrich A. W. Meyer, Friedrich Muenter, Sebastian Mutschelle, Johann C. F. Schulz, Johann J. Stolz, at Dominikus von Brentano, August Dächsel, Friedrich Hauck, Johann P. Lange, at Ludwig Reinhardt ay sa mga panaklong inilagay ang pangalan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share