Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • Bakit sinabi ni Jesus na “walang sinuman ang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat”?

      ▪ Karaniwan nang inilalagay ang alak sa balat ng hayop noong panahon ng Bibliya. (Josue 9:13) Ang mga sisidlan ay mula sa buong balat ng hayop gaya ng batang kambing o kambing. Inaalis muna ang ulo at paa ng patay na hayop. Pagkatapos, maingat na tinatanggal ang balat para hindi mabutas ang tiyan. Kukultihin ang balat at saka tatahiin ang lahat ng butas maliban sa leeg ng hayop o sa isang binti nito. Ito ang magiging butas ng sisidlang balat. Ang butas na ito ay maaaring lagyan ng takip o talian.

      Sa kalaunan, ang balat ay titigas at madali nang mapunit. Kaya hindi angkop na gamitin ang lumang mga sisidlang balat para lagyan ng bagong alak na patuloy na kumakasim. Maaaring pumutok ang tumigas na balat ng lumang sisidlan dahil sa pagkasim ng alak. Sa kabaligtaran, ang bagong balat ay hindi madaling mapunit kaya hindi ito puputok kahit patuloy na kumakasim ang alak. Kaya ang binanggit ni Jesus tungkol sa paglalagay ng alak sa sisidlang balat ay isang bagay na pangkaraniwan noong panahon niya. Sinabi niya: “Kung gayon ay papuputukin ng bagong alak ang mga sisidlang balat, at ito ay matatapon at ang mga sisidlang balat ay masisira. Kundi bagong alak ang dapat ilagay sa mga bagong sisidlang balat.”​—Lucas 5:37, 38.

  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • [Larawan sa pahina 15]

      Lumang sisidlang balat

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share