Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hudas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • 3. Isa sa 12 apostol, tinatawag ding Tadeo at “Hudas na anak ni Santiago.” Sa mga talaan ng mga apostol sa Mateo 10:3 at Marcos 3:18, si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo ay pinag-uugnay. Sa mga talaan naman sa Lucas 6:16 at Gawa 1:13 ay hindi kabilang si Tadeo; sa halip ang masusumpungan natin ay si “Hudas na anak ni Santiago,” anupat umaakay sa konklusyon na ang Tadeo ay isa pang pangalan ng apostol na si Hudas. Maaaring ang isang dahilan kung bakit ginagamit ang pangalang Tadeo paminsan-minsan ay upang hindi mapagpalit ang dalawang apostol na nagngangalang Hudas. Isinasalin ng ilang tagapagsalin ang Lucas 6:16 at Gawa 1:13 na “Hudas na kapatid ni Santiago,” yamang sa Griego ay hindi ibinibigay ang kanilang eksaktong kaugnayan. Ngunit idinaragdag ng Syriac na Peshitta ang salitang “anak.” Dahil dito, maraming makabagong salin ang kababasahan ng “Hudas na anak ni Santiago.” (RS, AT, NW, La) Ang tanging pagtukoy ng Bibliya kay Hudas na walang pagbanggit sa kaugnayan niya sa ibang tao ay sa Juan 14:22. Tinutukoy siya sa talatang ito bilang si “Hudas, hindi ang Iscariote,” sa gayon ay nililinaw kung sino ang Hudas na nagsalita.

  • Hudas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang unang pagbanggit kay Hudas sa talaan ng mga apostol sa Ebanghelyo ay pagkaraan ng Paskuwa ng 31 C.E. at mga isang taon at kalahati matapos simulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo. (Mar 3:19; Luc 6:16) Makatuwirang isipin na si Hudas ay matagal-tagal nang alagad bago siya tinawag ni Jesus upang maging apostol. Inilalarawan ng maraming manunulat si Hudas bilang lubos na masama, ngunit maliwanag na mahaba-habang panahon din siyang naging alagad na may pagsang-ayon ng Diyos at ni Jesus; ipinahihiwatig iyan ng mismong pagkapili sa kaniya bilang apostol. Karagdagan pa, ipinagkatiwala sa kaniya ang pag-iingat sa pinagsama-samang salapi ni Jesus at ng 12. Ipinakikita nito ang pagiging maaasahan niya noon at ang kaniyang kakayahan o edukasyon, lalo na yamang hindi ibinigay kay Mateo ang atas na iyon kahit makaranasan din ito sa paghawak ng salapi at pagkukuwenta. (Ju 12:6; Mat 10:3) Gayunpaman, si Hudas ay talagang lubos na nagpakasama anupat hindi na mapatatawad. Walang alinlangang ito ang dahilan kung bakit siya ang huling binabanggit sa talaan ng mga apostol at inilalarawan bilang ang Hudas “na nang maglaon ay nagkanulo sa kaniya” at “na naging traidor.”​—Mat 10:4; Luc 6:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share