Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 9/15 p. 8-9
  • Ang Pinakatanyag na Sermon Kailanman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakatanyag na Sermon Kailanman
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinakatanyag na Sermon Kailanman
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Tanyag na Sermon sa Bundok
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Aklat ng Bibliya Bilang 42—Lucas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Maging Tagatupad ng Salita, Huwag Tagapakinig Lamang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 9/15 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Ang Pinakatanyag na Sermon Kailanman

ANG tanawin ay isa sa di-malilimot kailanman sa kasaysayan sa Bibliya: Si Jesus ay nakaupo sa tagiliran ng bundok at nagpapahayag ng kaniyang payak na Sermon sa Bundok. Iyan ay malapit sa Dagat ng Galilea, marahil malapit na Capernaum. Magdamag na si Jesus ay nanalangin sa Diyos, at kinabukasan ay kaniyang pinili ang 12 ng kaniyang mga alagad upang maging mga apostol. Pagkatapos, kasa-kasama silang lahat, siya’y bumaba sa patag na lugar na ito sa bundok.

Ngayon, aakalain mo, si Jesus ay magiging pagod na pagod at maghahangad na matulog. Subalit dumagsa ang maraming tao, ang iba’y nanggaling pa sa Judea at sa Jerusalem, 60 hanggang 70 milya (100 hanggang 110 km) ang layo. Ang mga iba ay nanggaling sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon sa gawing norte. Sila’y nagpunta roon upang makinig kay Jesus at mapagaling ang kanilang mga sakit. Mayroon pa ring mga tao na inaalihan ng mga demonyo.

Sa pagbaba ni Jesus, ang mga taong may sakit ay naggigitgitan upang siya’y mahipo man lang, at silang lahat ay kaniyang pinagaling. Pagkatapos, marahil si Jesus ay naparoon sa lalong mataas na lugar sa bundok. Doon ay umupo siya at nagsimulang nagturo sa karamihan na nagsipangalat doon sa patag na lugar sa harap niya. At isip-isipin lamang iyon! Ngayon ay wala na kahit isang tao sa buong pulutong na iyon na may malubhang sakit!

Ang mga tao ay sabik na makinig sa tagapagturo na nakagawa ng kahima-himalang mga kababalaghang ito. Datapuwat, si Jesus ay nagpahayag na ang kaniyang Sermon unang-una para sa kapakinabangan ng kaniyang mga alagad, na marahil sila ang naroon noon na pinakamalapit sa kaniya. Ngunit upang tayo man naman ay makinabang ito’y isinulat ni Mateo at ni Lucas.

Ang pag-uulat ni Mateo ng sermon ay mga apat na beses ang haba ng kay Lucas. At, ang mga bahagi ng isinulat ni Mateo, iniharap naman ito ni Lucas bilang sinabi ni Jesus sa ibang panahon nang siya’y nagsasagawa ng kaniyang ministeryo, gaya ng mapapansin kung ihahambing ang Mateo 6:9-13 sa Lucas 11:1-4, at ang Mateo 6:25-34 sa Lucas 12:22-31. Subalit ito’y kataka-taka. Maliwanag na ang parehong mga bagay ay itinuro ni Jesus nang hindi lamang minsan, at minabuti ni Lucas na isulat ang ilan sa mga turong ito sa isang naiibang kapaligiran.

Ang sermon ni Jesus ay totoong mahalaga hindi lamang dahil sa lawak ng nilalaman nito na espirituwal na mga bagay kundi dahil din sa pagkasimple nito at sa malinaw na paghaharap niya ng mga katotohanang ito. Ang ginamit niya’y karaniwang mga karanasan at mga bagay na alam na alam ng mga tao, kaya naman ang mga ideya ay madaling naunawaan ng mga naghahanap ng isang lalong mainam na buhay ayon sa paraan ng Diyos. Sa ating susunod na mga labas ay susuriin natin ang ilan sa mga bagay na kaniyang sinabi. Lucas 6:12-20; Mateo 5:1, 2.

◆ Saan sinalita ni Jesus ang kaniyang sermon na di-malilimot kailanman, sino ang mga naroroon, at ano ang nangyari bago siya nagsermon?

◆ Bakit hindi kataka-taka na si Lucas ay nag-uulat ng mga ilang turo ng sermon na iyan sa isang naiibang kapaligiran?

◆ Ano ang nagpapaging totoong mahalaga sa sermon ni Jesus?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share