Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Enero 1
    • Anong sulatan ang tinutukoy sa Lucas 1:63?

      ▪ Iniulat ng Ebanghelyo ni Lucas na tinanong si Zacarias ng mga kaibigan niya kung ano ang ipapangalan niya sa kaniyang bagong-silang na anak. Si Zacarias ay “humingi ng sulatan at sumulat: ‘Juan ang pangalan nito.’” (Lucas 1:63) Ayon sa akda ng isang iskolar, ang salitang Griego na isinaling “sulatan” ay tumutukoy sa “maliit na sulatang karaniwan nang yari sa kahoy na pinahiran ng wax sa ibabaw.” Pinagdurugtong ng bisagra ang mga kahoy na pinahiran ng wax na galing sa bubuyog. Ang ibabaw nito ang sinusulatan. Maaari namang burahin ang isinulat para magamit muli.

      Ganito ang sinasabi ng aklat na Reading and Writing in the Time of Jesus: “Ipinakikita ng mga ipinintang larawan mula sa Pompeii, mga eskultura mula sa iba’t ibang dako ng Imperyo ng Roma, at ng aktuwal na mga nahukay sa maraming lugar mula sa Ehipto hanggang sa Hadrian’s Wall [Hilagang Britanya] na laganap ang paggamit ng mga sulatan.” Iba’t ibang indibiduwal ang maaaring gumamit ng gayong sulatan tulad ng mga mangangalakal, opisyal ng pamahalaan, at marahil ay maging ng ilang Kristiyano noong unang siglo.

  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan—2010 | Enero 1
    • [Larawan sa pahina 11]

      Sulatang may wax ng mag-aaral, ikalawang siglo C.E.

      [Credit Line]

      By permission of the British Library

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share