Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • Sa Juan 1:1 ganito ang mababasa sa New World Translation: “Ang Salita ay isang diyos.” Sa maraming salin ang pangungusap na ito ay ganito lamang ang sinasabi: “Ang Salita ay Diyos” at ginagamit upang sumuhay sa doktrina ng Trinidad. Hindi katakataka, ang pagkasaling ito sa New World Translation ay tinatanggihan ng mga Trinitaryo. Subalit ang Juan 1:1 ay hindi pinalsipika upang patunayan na si Jesus ay hindi Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Ang mga Saksi ni Jehova, kasali ang marami ring iba, ay tumutol sa paggawang malaking titik ng “d” sa “diyos” malaon pa bago lumitaw ang New World Translation, na nagsisikap na isalin nang wasto ang orihinal na wika. Limang mga tagapagsalin ng Bibliyang Aleman ang gumagamit din ng terminong “isang diyos” sa talatang iyan.b Di-kukulangin sa 13 iba pa ang gumamit ng pananalitang gaya ng “uring dibino” o “uring tulad-diyos.” Ang mga saling ito ay kasuwato ng ibang bahagi ng Bibliya na nagpapakita na, oo, si Jesus nang nasa langit ay isang diyos sa diwa na pagiging dibino. Subalit si Jehova at si Jesus ay hindi iisa, hindi iisang Diyos.​—Juan 14:28; 20:17.

  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • b Sina Jürgen Becker, Jeremias Felbinger, Oskar Holtzmann, Friedrich Rittelmeyer, at Siegfried Schulz. Si Emil Bock ay nagsasabi: “isang dibinong persona.” Tingnan din ang mga saling Ingles na Today’s English Version, The New English Bible, Moffatt, Goodspeed.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share