Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 15 p. 40-p. 41 par. 6
  • Ang Kaniyang Unang Himala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kaniyang Unang Himala
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Unang Himala ni Jesus
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Ikalawang Himala sa Cana
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ang Ikalawang Himala Samantalang Nasa Cana
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Ikalawang Himala sa Cana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 15 p. 40-p. 41 par. 6
Sa isang kasalan sa Cana, inutusan ni Jesus ang mga nagsisilbi na punuin ng tubig ang mga banga

KABANATA 15

Ang Kaniyang Unang Himala

JUAN 2:1-12

  • ANG KASALAN SA CANA

  • GINAWANG ALAK NI JESUS ANG TUBIG

Ikatlong araw na ngayon mula nang maging alagad ni Jesus si Natanael. Si Jesus at ang ilan sa kaniyang unang mga alagad ay naglakbay pahilaga patungo sa distrito ng Galilea, kung saan sila nakatira. Pupunta sila sa Cana, ang bayan ni Natanael. Ang Cana ay nasa mga burol sa hilaga ng Nazaret, kung saan lumaki si Jesus. Naimbitahan sila sa isang kasalan sa Cana.

Imbitado rin sa kasalang iyon ang ina ni Jesus. Palibhasa’y kaibigan ng pamilya ng ikakasal, malamang na abalang-abala si Maria sa pag-aasikaso sa maraming bisita. Kaya madali niyang napansin na paubos na ang alak, at sinabi niya ito kay Jesus: “Wala na silang alak.”—Juan 2:3.

Para bang sinasabi ni Maria kay Jesus na gumawa ng paraan para hindi kapusin ang alak. Makikita sa sagot ni Jesus na hindi siya sang-ayon sa naisip ni Maria: “Ano ang kinalaman natin doon?” (Juan 2:4) Bilang Haring pinili ng Diyos, anumang gagawin ni Jesus ay dapat na utos ng kaniyang Ama sa langit, at hindi ng kaniyang pamilya o mga kaibigan. Kaya ipinaubaya na lang ni Maria sa kaniyang anak ang gagawin, at sinabi sa mga nagsisilbi: “Gawin ninyo anuman ang sabihin niya sa inyo.”—Juan 2:5.

May anim na banga, at bawat isa’y makapaglalaman ng mahigit 40 litro. Sinabi ni Jesus sa mga nagsisilbi: “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.” Pagkatapos, sinabi niya: “Sumalok kayo ngayon ng kaunti at dalhin ninyo sa nangangasiwa sa handaan.”—Juan 2:7, 8.

Pinuri ng direktor sa kasal ang lalaking ikinasal dahil sa taas ng kalidad ng alak

Ang nangangasiwa ay humanga sa kalidad ng alak, pero hindi niya alam na ito ay makahimalang ginawa. Tinawag niya ang lalaking ikinasal, at sinabi: “Ang lahat ng iba pa ay naglalabas muna ng mainam na alak, at kapag lango na ang mga tao, ang mababang klase naman. Pero ngayon mo inilabas ang mainam na alak.”—Juan 2:10.

Ito ang unang himala ni Jesus. Nang masaksihan ito ng kaniyang bagong mga alagad, tumibay ang kanilang pananampalataya sa kaniya. Pagkatapos, si Jesus, ang kaniyang ina, at ang mga kapatid niyang lalaki ay naglakbay patungo sa lunsod ng Capernaum, sa hilagang-kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea.

  • Sa panahon ng ministeryo ni Jesus, kailan naganap ang kasalan sa Cana?

  • Ano ang reaksiyon ni Jesus sa mungkahi ng kaniyang ina tungkol sa alak?

  • Anong himala ang ginawa ni Jesus, at ano ang naging epekto nito sa iba?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share